Chapter Fifteen: Unfriend you
For the nth time around, nakakita na naman ako ng ganoong scenario.Hindi ko gusto itong nararamdaman ko pero hindi ko napigilan yung sarili ko.
Lumapit ako at hindi ko alam kung sa'n ako nakakuha ng kapal ng mukha para sigawan sila.
"Fvck Ethan!!!"That made him stop and turned to face me. Halata sa mukha niyang nagulat siya na nakita ako. Namumula na rin yung mukha niya, sa alak siguro.
Hinila ko siya palayo sa malanding haliparot na ngayon ay almost naked na.
"Uh, sht!" Sigaw nung malandi.
"Oh darling, bitch please! Wag mo kong ma-sht sht dyan huh! Mas mukha pang tae 'yang mukha mo! Malandi ka!"
"How dare you?! Sino ka ba huh?! Bakit nang iistorbo ka?!!"
"Wala kang pakealam kung sino ako--"
"Elle." Naputol yung sasabihin ko nang tawagin ako ni Ethan. "Elle tama na." Kalmado pero mariin niyang sabi.
"Tama na?! Wow! Ako pa pala ang kailangang tumigil huh Ethan?!"
"You two know each other?!"
"Ay hinde! Hinulaan lang namin pangalan ng isa't isa!" I rolled my eyes on her. "Ang tanga mo, bwisit ka!" Sarkastiko kong sagot.
Sinamaan ko ng tingin yung haliparot. Ang tanga lang ng tanong niya, isn't it obvious?! Eff!
Nagsisisigaw pa ang haliparot pero dinedma lang ng beauty ko at hinila ko si Ethan palabas sa bar. Tama na, masyado na kong maraming nakuhang atensyon sa loob.
Pagkatapak na pagkatapak pa lang namin sa labas, hindi ko napigilang masampal siya.
Napahawak naman siya sa pisngi niyang nasampal."Ano bang problema mo?!" Pinagtaasan niya ako ng boses. Pero hindi pa rin ako nagpatinag.
"Eh ikaw?! Anong problema mo?!" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong niya.
"Bakit ka ba nagkakaganyan huh Ethan?! Sa inaraw araw, wala ka bang ibang pwedeng gawin kundi magpapalit palit ng babae?! Hindi ka naman ganyan noon ah!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw.
"Can't you just mind your own business?! Wala kang alam."
"Eh bakit kasi hindi mo ipaalam? Alam ko naman yung pinagdadaanan mo diba?!"
He hissed."Ethan naman, tigilan mo na nga 'yan, sinisira mo ba buhay mo dahil kay Yassy? Araw araw ka na lang naglalasing, madalas na rin kitang nakikitang naninigarilyo at kung sino sinong babae pa ang pinapatulan mo?!"
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...