Chapter Twenty Nine: The Playboy

16 0 0
                                    

Chapter Twenty Nine: The Playboy


Jeffrey's POV:

Lintek! Ang tamis talaga ng bespren kong 'yun! Akalain mo yun, nagawa niyang magpahiya ng isang malanding babaeng hahabol habol sa kanya, para sa taong mahal niya. Yan ang boyfriend! Superhero na, knight in shining armor pa.


Tangina! Bakit parang admirer ang labas ko?! Shet eww lang! Erase erase. Di hamak naman na mas gwapo, matipuno at marespeto sa babae naman ako kesa kay Ethan 'no!


Shet bakit pakiramdam ko may nagreact dyan? Oo na, except sa part na "marespeto sa babae". Pero noon lang naman yun guys! Maniwala kayo, nagbago na ako simula nang makilala ko yan si Xiara baby. Teka nga, nasaan na nga pala yun? Nagpalinga- linga ako at saka ko siya nakitang papalapit sa akin.


"Congratulations Jeff." Bati niya nang may kasamang yakap.

Niyakap ko rin siya pabalik. "Thanks babe."

"Teka lang ah? Magliligpit lang ako ng gamit sa backstage tapos tara na." Paalam ko.

"Tulungan na kita?" Alok niya.

"Hindi na. Ayokong mapagod ka. Hintayin mo na lang ako sa table niyo, okay?" Hinalikan ko siya sa noo bago siya umalis.


~


Sa backstage, binilisan ko ang pagliligpit ng mga instruments. Langya talaga yun si Ethan! Akalain niyo, ako pa pala mag dadala ng mga gitara niya, alam naman niyang mabigat na ang drum set. At alam din niyang may importante pa akong gagawin.


"Tuazon, mag-isa mo na lang?"

"Ay hindi pre, dalawa pa kami ng ghost friend ko. Ayun nga siya oh, nagbubuhat ng gitara. Mag-hi ka naman."


HAHAHA! Yan sana ang isasagot ko kung hindi lang si Otep ito. Siya kasi ang nag-imbita sa amin na tumugtog dito sa restobar niya, nakakahiya namang mamilosopo sa kanya, baka hindi na kami patugtugin sa susunod niyan.


"Oo pre. Nauna na kasi si Ethan. Medyo nabadtrip kasi sa isang customer."

"Ganun ba? Ihingi mo na lang ako ng pasensya kay Oliveros. Oh siya, tanggapin mo 'to, bale bayad na rin sa pagtugtog ninyo."

"Nag abala ka pa pre, libre na sana yun. Pero sige salamat." Kunyari ayaw, tatanggapin din pala. Yan tayo eh! HAHAHAHA. Aba alangang tanggihan ko? Grasya ito guys!


~


Pagkatapos kong ilagay lahat ng instrumento sa kotse ko, bumalik ako sa table nila Xiara babe. Sa limang natitirang babaeng nandito ngayon, si Crisha at Grace lang ang kilala ko sa pangalan.


"Hi Fafa Jepf." Lasing na sabi ni Crisha. Takte, tinamaan na.

"Girls, mabuti pa umuwi na tayo. Mga lasing na kayo oh." Tae, wag niyong sabihing kargo pa namin ang mga babaeng ito? May importanteng lakad pa kami ni Xiara sweety.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon