Chapter Forty One: Santa

4 0 0
                                    

Chapter Forty One: Santa

Xiara's POV:

Ang bilis ng araw, ilang linggo na ang lumipas at malapit na mag Christmas. Pero nagkanda gulo gulo naman ang buhay naming lahat. Nasira na 'yung grupo naming girls. Minsan na lang kami kung nagsasama, hindi pa buo. At hindi na kailanman mabubuo. Madalas nga kaming tatlo na lang nina Lianne at Jeff ang nagkakasama. And speaking of Jeff, hindi na rin sila nagpapansinan ni Liam. Nagsuntukan silang magbestfriend noon dahil sa videong pinakalat ng impaktang si Yassy. Pinapili ni Jeff kung babalik ba si Liam kay mylavs pero pinili ng Liam na 'yun 'yung impakta niyang ex. Simula nun, hindi na nagpansinan pa ang magbestfriend. Nung birthday nga ni Liam, ininvite niya si Jeff at kaming girls including Lianne, pero wala ni isang nagpunta. Si Yassy lang tutal siya naman 'yung nang-agaw sa pwestong para kay Lianne na dapat. Pero nung nalaman ni Liam na si Yassy lang ang makakapunta, kinancel na niya 'yung celebration, tapos nagpunta na lang sila ng mama niya sa Baguio. Dala nga daw ni Liam 'yung stuff toy na si Lianne na surprise gift sana ni mylavs para sa kanya. Yakap yakap daw ni Liam 'yun habang nasa biyahe sila at dala dala niya sa kung saan man siya magpunta nung nasa Baguio sila. Parang nakakasad diba? Nafish ko lang lahat ng information na 'yan kay Jeff dahil kinwento sa kanya ng kuya ni Liam. Haha.

Si Lianne naman patuloy pa ring nasasaktan. Lagi man siyang nakangiti sa harapan ng maraming tao, lagi man niyang paulit ulit sabihing nakamove on na siya, alam ko na gabi gabi siyang umiiyak. Wala siyang sira sa mata pero naka eye glasses na siya ngayon. As if naman hindi ko alam na kaya lang siya nagsusuot nun ay para matakpan 'yung araw araw mugto niyang mga mata. Tuluyan na kasi silang hindi nagpansinan ni Liam. Ang sarap kalbuhin ng lalaking 'yun sa totoo lang! Ewan ko lang ha, pero nasesense ko naman na mahal ni Liam si mylavs pero bakit hindi niya magawang iwan 'yung impaktang si Yassy? Palagi nga naming nakikitang magkasama yung bwisit na Yassy at Liam na 'yun sa school eh. Palagi tuloy natatahimik si mylavs pag nakakasalubong namin sila. Naaawa na ako sa kanya pero wala akong magawa para mabawasan 'yung pain na dala dala niya araw araw.

Ngayong araw, last day of class bago mag Christmas break. Maraming tao dito sa university ngayon, open house kasi. Pahappy happy na lang ngayong araw na 'to kasi kahapon lang natapos 'yung final exam namin para sa sem na 'to.

And speaking of happiness, masaya ako para kay Lianne kasi siya 'yung naawardan ng Ms. Campus Gorgeous para sa year na 'to. Annual tradition na ng university na magbigay ng churva katulad niyan sa unexpected na mga situation. Walang program churva na magaganap, basta unexpected talaga. Katulad na lang ng pagkaka award kay mylavs, susubo pa lang siya ng pagkain niya noon sa canteen nang bigla siyang sabitan ni Mr. University President ng sash at suotan ng korona. Ang saya pa kasi saktong padaan nun sa gilid ng table namin sina impaktitang Yassy at walang kwentang Liam, kaya ayun, harapan nilang nasaksihan yung pag-aaward sa kagandahan ni bestfriend. Additional insecurity points tuloy para kay Yassy 'yun. HAHAHA.

"Mylavs, hindi ka pa ba tapos diyan? Nalunod ka na yata sa inidoro ah?" Tawag ko sa kanya. Kalokang babae 'to, kanina pa siya sa loob ng cubicle.

"Faster teh. Baka nasira na 'yang make-up mo at 'yang kulot ng buhok mo. Nakoo, hindi na kita ireretouch bahala ka dyan." Panloloko pa ni Crisha.

"Eto na, eto na." Lumabas na siya mula sa cubicle at shemays! Kapag lalaki lang siguro kami tumulo na laway namin kanina pa. Ang ganda niya! Ang ganda ng fitting sa katawan niya nung Santa dress niya na above the knee, tapos ang ganda din niya sa curly hair niya na sinamahan pa ng Santa hat. Tapos naka high heels pa siya kaya naman medyo narimedyuhan 'yung height kahit papaano. HAHA.

"Hoy Santa, saan mo tinago si Lianne? Ilabas mo si Lianne please lang." Pang-aasar ko na kunyari ay hinahanap hanap kung nasaan napunta si mylavs.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon