Chapter Twenty: Stuck here with you

3 0 0
                                    

Chapter Twenty: Stuck here with you

Ethan's POV:

"Bitaw nga! Chansing ka lang eh!" Tumayo na siya at dumiretso sa pinto, akmang lalabas na ng kwarto.

Humiga na lang ako sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata.

"ETHAAAAAAAAN!!!!"

Napabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang sigaw ni Elle. Dali dali akong lumabas sa kwarto at sinundan siya sa lobby ng clinic. "Anong nangyari sayo?!"

"Eff! Bakit hindi mo sinabing alas-otso na ng gabi?!"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "Alas-otso na?!"

"Ay hinde! Actually joke ko lang yun!" Umirap siya. "Tss. Oo nga!" Itinaas niya ang kanyang kamay at iniharap sa akin ang wrist watch niya. Fuchsia! Alas-otso na nga ng gabi. Nak ng!

"Halika na, uuwi na tayo." Sabi ko at lumapit sa pinto para buksan ito.

"Fvck! It's locked!"

"What?! Anong locked?! Wag mo nga akong pinagtitripan!" Inikot ikot niya ang door knob, pero walang nangyari.

"Fvck! Is anyone there?! Will someone fvckin' open this darn door?!" I shouted.

"Ano ba! May tao dito pagbuksan niyo nga kami!"

Halos sirain ko na ang pinto sa paninipa ko pero wala talaga. Sa mga oras na ito, malamang tapos na maglinis at maglibot ang janitor.

"Eff! Hindi pwede 'to! Peste naman oh! Marami pa akong assignments, may reporting pa kami bukas, nagugutom pa ako, baka hinahanap na ako sa amin!" Naghyhysterical na si Elle.

"Ssssh! Sssh! Calm down Elle. I'm here. I won't leave you." Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at iniharap sa akin.

Tumalikod siya at umupo sa couch habang nakabusangot.

Linapitan ko naman siya at akmang tatabihan nang harangin niya ako gamit ang isang paa niya. "Wag kang lalapit!" Pagbabanta niya pa.

The heck's wrong with her?!

"Uupo ako. Hindi mo naman siguro binili yang couch para ikaw lang ang pwedeng umupo diba?" Sambit ko.

Inirapan niya lang ako saka siya humiga.

I hissed. Wala na akong nagawa kundi umupo na lang sa sahig.

Wala ni isang nagsalita sa amin pagkatapos nun.

[Gruuuk...]

Napalingon ako sa kanya nang tumunog ang tiyan niya. Nakatalikod siya sa direksyon ko.

[Gruuuk...]

Muli na naman itong tumunog.

"Pfft!" This time nagpipigil na ako ng tawa. "Pffft! Hahahaha!"

Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya saka lumapit sa direksyon ko. Akala ko hahampasin niya ako o kaya'y sisigawan ngunit walang sabi sabi ay umupo siya sa tabi ko at yinakap ang kanyang mga paa.

Himala yata at hindi siya nang aaway gayong tinawanan ko na siya.

Maya-maya pa ay nakarinig na lang ako ng paghikbi.

"O-oy anong nangyayari sayo?" Hindi niya ako sinagot at nagtuloy tuloy lang sa paghikbi. "Elle, m-may masakit ba sayo? Masakit ba yang natamaan ng bola? Ano? Bakit ka umiiyak? Tell me." Tuloy tuloy at may halong pag-aalalang tanong ko.

"E-Ethan... Na-nagugutom na ako." She managed to say amidst her sob.

Yung kaninang may pag-aalalang nakapinta sa mukha ko ay napalitan ng ngiti.

"Tss." Ginulo gulo ko ang kanyang buhok bago tumayo. Pumasok ako sa kitchen-like room ng clinic na ito at binuksan ko ang mini-fridge upang maghanap ng makakain. Nakakita naman ako ng mga itlog, wheat bread, gatas, at ready to cook soup.

Pagkain ng may sakit yata ang dinner natin ngayong gabi Elle?

~

Elle's POV:

[Buuuurp!]

"Ooops! Hahahahaha." As expected, dahil nakakain na ako, balik ingay na naman ang lola niyo.

[Buuuurp!]

Kita niyo ang lalaking to, gaya gaya. Pagkatapos kong magdighay dapat siya naman? "Oy excuse me lang huh! Walang pasintabi Ethan?!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Look who's talking." Sumbat niya.

Pabiro ko siyang inirapan. "Haaaay, ang sarap mo pala magluto." Hinimas himas ko ang bilugan kong tiyan.

"Sa sarap ng luto mo, pwede ka ng maging taga luto ng mga may sakit. Hahahahahaha."

"Ano ba yan! Panira naman oh! Okay na eh, nandun na tayo sa pagpuri mo sakin, sinira pa." Nagkunyari siyang nagtatampo.

"Well, sad to say Ethan, pero hanggang sa pagiging cook ka lang ng mga may sakit. Wag nang mag-assume, nakakamatay." This time, sabay na kaming tumawa.

"Oy awat na dyan, seryoso na." Panimula ko nang maka-get over na ako sa pagtawa ko. "Liam Ethan, bakit mo ako niligawan?"

Sumeryoso naman ang kanyang mukha. "Kasi gusto kita." Agad na sagot niya.

"Bakit mo ako gusto?"

"Hindi ko alam. Walang rason. Basta gusto kita."

"Bakit nga?"

"Wala ngang rason. Hindi kita gusto dahil maganda, matalino o sexy ka.Gusto kita, hindi ko alam basta gusto kita. Kung gusto o mahal mo naman talaga ang isang tao, walang rason. Kasi paano kung nawala na lang yung rason na yun? Edi wala na rin yung nararamdaman mo para sa kanya?" Tuloy tuloy at walang preno niyang sambit.

Okay, natameme ako, wala na akong masabi. Siya na kasi!

"Bakit ang bilis naman yata?" Gusto kong malaman kung parehas ba kami ng kasagutan.

"Ang pagmamahal wala naman yan, sa haba ng panahong nagkasama kayo. Nandun yan sa nararamdaman mo kahit na saglit pa lang ang pinagsamahan niyo. Siguro iniisip mong 'ang bilis naman', pero ano bang magagawa ko, eh gusto na nga kita?"

Edi wow, Papa Pop! Ang hugot niya masyado.

Ito, may isa pa akong tanong. Matagal nang bumabagabag ito sa utak ko. Gusto kong malaman yung kasagutan niya.

"Mahal mo pa ba si Yassy?"

~

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon