Chapter Twenty One: First Night

5 0 0
                                    

Chapter Twenty One: First Night



Ethan's POV:



"Mahal mo pa ba si Yassy?" Tanong niya na siyang ikinabigla ko. "Naka-move on ka na ba sa kanya?" Dagdag pa niya.



But still I managed to answer. "No. I've already moved on. Thanks to you Elle." I smiled at her.



Pagkatapos nun, nadivert naman agad yung topic. The entire night, we talked about our families and our childhood lives. Nakwento ko sa kanya yung mga kalokohan at pinagsamahan namin ni Jeff.


Napag-alaman ko namang mama's girl daw pala siya nung bata siya. Yung tipong iiyak siya pag hindi ang mom niya ang bubuhat sa kanya. Ultimo nga daw pag CR ng mom niya, gusto niyang kasama pa din siya.


Nakwento din niyang na-spray-an daw siya ng Baygon ng mga kalaro ng ate niya nung sanggol pa lamang siya.


At ang kinagulat ko sa lahat ay yung tabatchoy pala siya nung bata siya hanggang sa mag elementary siya. Dahil sa hindi nga ako maniwala ay pinakita niya sa akin yung mga baby photos niya na kinuhanan niya sa phone niya. Kung ano kasing kinataba niya noon, siya namang kinapayat niya ngayon. Akala mo ginugutom siya sa bahay nila eh. Pero malakas daw talaga siya kumain na siya namang napansin ko sa kanya these past months.



~


"So he really is your cousin huh? Akala ko naman may boyfriend ka na. Alam mo bang selos na selos ako nung linapitan at yinakap ka ng lalaking yun? Gustong gusto ko na siyang suntukin lalo nang hawakan pa niya ang kamay mo nang maglakad kayo palayo sakin eh. Eh bakit parang di naman kasi asta magpinsan yun Elle?"


Liningon ko siya nang hindi siya sumagot. In my dismay, mahimbing na siyang natutulog sa couch. Langya! Tinulugan ako! Tama ba yun?


"Psh. Ang daya mo naman eh! Tama bang tulugan ako eh nagdadrama ako Elle?" Sige Ethan, kausapin ang tulog.



Linapitan ko siya at naupo sa sahig paharap sa kanya. For the nth time today, tinitigan ko muli ang kanyang napakaamong mukha. Mas malapit ang mukha namin ngayon kesa kanina nang natutulog siya sa room ng clinic.


Habang hinihimas ko ang kanyang buhok, nakatitig ako sa kanyang magandang ilong, ang kanyang mahahabang pilik mata, ang kanya nunal sa baba ng kanyang kanang mata na siyang nakakapagpaganda lalo sa kanya. Hanggang sa bumaba ang aking tingin sa kanyang labi.



Napalunok ako ng sunod sunod.

I leaned closer to her, attempting to kiss her.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon