Chapter Forty Three: Dada ko
Elle's POV:
Ugh! Hindi parin maalis sa utak ko 'yung mga pangyayari last week. Nandun pa rin 'yung feeling nung nakayakap sa bewang ko si Ethan at idagdag mo pa 'yung bwisit na nagnakaw ng halik sa akin. Bigla ko na naman tuloy naalala 'yung feeling nung naglapat 'yung mga labi namin. Eff! Nabubwisit din ako sa sarili ko, to think na unknown guy siya pero nagrespond ako?! Paksyet eww!
Imposible namang si Tyler 'yun eh may girlfriend siya at umalis na sila bago ako tumalikod. Wala naman akong maisip na ibang lalaking pwedeng gumawa nun. Foot spa naman oh!
"Hoy babae! Baka pwedeng ibalot mo na 'yang mga regalo 'no?"
Pero teka nga, bakit ba bigla ko na naman kasing naisip 'yan? Mas mabuti pa, isipin ko na lang 'yung romantic scene namin ni Ethan. Syet kinikilig 'yung bilbil ko! Hahaha.
"Hello? Earth to Lianne July?"
By the way, remember nung night na magkasama kami ni Ethan? Diba naiwan ko 'yung girls, eh nasabi ko na babalik ako. My goodness! Sobrang naloka ako nung nakasalubong namin ni Ethan si Yassy at Crisha! I mean OMG to the nth power talaga! Hindi ko alam kung anong irereact ko, kasi bukod sa hindi ako nakabalik sa kanila, nakita pa nila kami ni Ethan na magkasama. Like hello, ex ang kasama at hindi si Yassy. Pero nagulat ako nung wala man lang kareareaksyon si Ethan maging si Yassy. Si Crisha kasi nagulat nung nakita niya kami at the same time ngumiti ng nakakaloko. Pero si Yassy nagdirediretso lang nung nakita niya kami. Same as to with Ethan. Haaaay ano kayang gagawin ko, I don't wanna get my hopes up pero aaminin ko umaasa na naman ako. Pero dahil after nung gabing 'yun ay hindi na ulit siya nagparamdam, bitter bitter na ulit ako. Pwe!
[Paaaak!]
"A-aray!" Bumalik ako sa huwisyo nang may bumatok sa akin. Nang tignan ko, si Ate Lyka pala. Walangya.
"Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka dyan. Ano bang dini-day dreaming mo ha? Wag mo na siyang isipin, hindi ka na mahal nun."
Binato ko siya ng hawak kong Christmas wrapper. Nagbabalot nga pala ako ng mga regalong dadalhin namin sa bahay ampunan mamaya. "Ano ba Lyka, sabing bawal magbad word eh."
"Bad word bad word your face. Binanggit ko ba pangalan niya? Mag move on ka na oy! Magbabagong taon na."
"Whatever. Sino ba kasing nagsabing hindi pa ako nakamove on? Why would I let my self stuck in the past? It's not as if years na ang tinagal namin." Sagot ko. Inirapan niya lang ako at lumabas na sa sala. Totoo naman diba? Ni hindi pa nga kami nakaabot sa isang buwan eh. Kaya carry on, madali lang magmove on.
Maya-maya natapos na rin akong magbalot balot ng mga regalo, sakto namang lumabas na mula sa kwarto nila si papa. Ibig sabihin lalarga na kami. Mag aalas kwatro na rin kasi ng hapon.
Pagkatapos naming ilagay sa compartment ng sasakyan 'yung lahat ng dadalhin namin sa ampunan, sumakay na rin kami at nagdrive na si papa. Annual tradition na ng pamilya ko na magpunta sa bahay ampunan tuwing pasko. Parang pa-Christmas party namin sa mga bata sa ampunan.
Dahil hindi naman kalayuan sa subdivision namin 'yung bahay ampunan, ay agad kaming nakarating. Nakooo mabuti naman dahil sobrang nabibitter ako sa pangiti ngiti ni Ate Lyka habang may kachat. Tapos bigla bigla pang tatawa. Mabuti at nakapagtimpi pa ako at mas piniling wag na lang magreact. Mahirap na, baka masabihan na naman akong hindi makamove on neto eh.
Pagkababa namin, agad kaming sinalubong ni Sister Faith. Yung head na madre dito sa ampunan.
"Mr. and Mrs. Salvador, what a surprise! Hindi namin inaasahang ngayon pala kayo dadalaw."
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...