Chapter Five: Our day
Pagkauwi ko kagabi inihanda ko na lahat ng kakailanganin namin para sa gagawin ko mamaya. Pinadalhan ko na rin ng text messages ang mga taong involve. Excited na ako.
"Better be ready. I'm on my way to pick you up"
Message sent...
Nagmaneho na ako papunta sa bahay nila para sunduin siya.
[Ding. Dong]
I pressed their door bell. Ilang segundo akong naghintay pero hindi pa bumubukas ang gate nila. Muli akong nag door bell ng paulit ulit. Wag lang sanang magising si Tita.
Shiz, don't tell me hindi pa siya gising? After several minutes bumukas din at nakita ko na siyang pupungay pungay pa. Tss, sabi ko naman agahan niya.
"Ano ba naman yan, ang aga aga eh!" 'Yan agad ang bungad niya sakin pagkalabas niya ng gate nila.
Kinuha ko sa kanya ang dala niyang travelling bag at inilagay iyon sa back seat. Nagdire-diretso naman siya sa pagsakay sa front seat.
Pinaandar ko na agad ang kotse pagkasakay ko. Kailangan naming magmadali. Marami pa akong aasikasuhin pagkarating namin dun.
"Hoy nagugutom ako, ilibre mo 'ko. Hindi pa ako kumakain." Sambit niya.
"Tss. May pagkain sa back seat. Kainin mo na lang, wala tayong stop over."
"Ano?!" Sigaw niya. Tss, ang OA huh! "Eh pano na lang pag may tawag ako?"
Kahit nagda-drive ako, nagawa ko pa siyang batukan.
"Ulul! Wag mong sagutin, tiisin mo na lang. Tatlong oras lang naman ang byahe."
Yung tawag na tinutukoy namin ay hindi yung phone call, tawag ng kalikasan, that is. Wala, ganyan talaga yan, may sarili kaming diksyunaryo.
Maya maya, nakaamoy ako ng chicken fillet. Nagutom tuloy ako bigla. Paglingon ko sa katabi ko, aba ang lokong Jeffrey Tuazon, kumakain na pala.
"Oh bakit? Gusto mo?" Tanong niya.
"Hindi na man, alam ko namang kulang pa sa'yo 'yan."
"Sayang madami dami pa man din yung inorder mo. Uubusin ko lahat ng pagkain sa likod. Hmmm sarap!" May halong pang gugutom yung tono niya.
"Gago! Isip bata!"
"Ah isip bata pala ako, kaya pala McDo yung binili mo."
"Tanga! 'Yan lang yung nakita kong drive thru eh. Pasalamat ka nga binilhan pa kita."
"Utang na loob ko pa pala? Baka gusto mong bumalik na lang ako ng bahay?"
"Ewan ko sayo!" 'Yan na lang ang nasabi ko. Kung hindi lang talaga ako magpapatulong sa gagong 'to eh.
~
Tanghali na nang makarating kami sa Baguio Country Club. Sa pangalan pa lang ng lugar, obvious namang sa Baguio ito diba?
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...