END NOTES

13 1 0
                                    

To all my readers, 

I hope you enjoyed this poetry book. This is the symbol of my suffering so I hope you enjoyed it. I wrote 70 poems for a guy that broke my heart, I mean a guy I liked. I tried to get out of my comfort zone but this is all I got. I am an introvert and I don't really like socializing nor do I know how to flirt but I am telling you that I tried my best to make this guy notice me. Papansin kung papansin, ika nga. Mula sa pagdating ng maaga sa eskwelahan para siguraduhing makukuha niya ang paborito niyang upuan, since matangkad siya, hanggang sa pagpaparinig sa mga chat messages namin pero wala talaga. Hindi niya talaga magets na bet ko siya. Noon naman umamin ako dahil siya na mismo ang nagtanong, ang tanging nasabi niya lang ay "Bakit ako?" at "Sorry". All that love and all I get is this stupid book.

He was tall, shy, medyo lutang, magaling magdrawing, artist kung baga, uncannily cute despite his size, and lastly very kind. It was actually his kindness that made me fall. I knew him already for almost 5 years but it was only this year (2022) that I fell for him. As the year was ending I also broke my heart. Hindi man lang pinatagal ni Lord ang kilig. Binawi agad. Oh well, he was really a good guy. He just didn't like me as I like him. Wala eh, kaibigan lang daw ako. Napatango na lang ako kasi wala naman talaga akong magagawa. 

Wala, konting information lang about the subject of this book. Kung may dapat kayong pasalamatan para sa mga tulang ito, siya iyon. Pain is the only thing that makes me write and he provided that for me. 

Hindi ito ang unang beses na na heart broken ako at hindi rin itong ang unang libro ng mga tula na sinulat ko. Yung unang libro ang title "Unsaid Messages of Mine". Para naman yun sa isang lalaki na nagustuhan ko kaso mukhang frenemy lang kami. Ganito talaga ako masaktan. Kailangan talaga may Poetry book. Shala diba? Bawat crush o heartbreak may tig-isang libro.

Sa mga tulad ko na broken, pasensya na kung mas nasaktan kayo sa mga nabasa niyo. At least nakarelate kayo kahit papaano. Iiyak niyo na lang yan, ako nga hindi na nakakaiyak. Namanhid na yata ako. Dadating din daw yung para sa atin, yan ang sabi nila pero sa totoo lang, napapagod na rin ako maghintay o magmahal. Sakit lang ng loob at puso ang dala ng pag-ibig. Kung dumating man ang para sa akin edi thank you at kung hindi naman, medyo inexpect ko nang ganoon ang mangyayari. Bitter ko noh? Wala eh, wag niyo kasi akong sinasaktan!

Sa mga happy in love naman diyan na nakapagbasa ng librong ito, hindi para sa inyo ang mga tula at paksa dito. Balik na lang kayo kapag naghiwalay na kayo o nasaktan kayo. Joke lang. Sana all na lang happy at in love. Edi kayo na paborito ni kupido. That freaking archer, palagi na lang akong pinaglalaruan. Wala naman akong masasabi para sa inyo. Good for you na lang.

Once again, I thank everyone who supported me in writing this book. Hindi ko man mababanggit ang mga pangalan niyo, just know that I really appreciate it a lot and hindi ko masusulat ang mga tulang ito kung wala kayo. I love you guys at dito ko na tatapusin ang librong ito. 

Paalam, this is your Sentimental Queen, signing off.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You are Unfortunately my Amaranthine Night skyWhere stories live. Discover now