I don't know but being with her in a few months is like a roller coaster ride. Ang pangit niya ka-bonding tuwing recitation drills niya na. Laging section lang namin ang napag-iinitan. I mean, it is partly my fault. Pero hindi naman niya kailangan idamay ang buong section namin.
Nakalimutan ko kasi last time na may sinabi siya na meron kaming long quizzes tapos ang ending apat lang kaming naka-pasa sa quiz niya. So, to sum up what happened, I went through hell.
***
Katatapos lang ng discussion namin with her. And to be honest, hindi pa rin kami nasasanay sa ganda niya. Like every damn time, ipinamumukha niya sa lahat na maganda ako at period. Hands down doon. No words can justify how damn ethereal she is. Pero may sabit sa ugali. Ang sungit tapos bihira pa ngumiti.Promise, as in. Kapag ngumiti ang Professor na ito sa'kin. Manlilibre talaga ako. Seryoso.
She is cleaning up her stuff in her table. Seryoso pa rin ito pero hindi pa rin kami naka-dismiss. May 10 minutes pa naman.
"We will have a friendly debate tomorrow with other section and departments under my care. Make sure to select your best five." She said coldly after she stood up straight and gather herself.
"Class dismissed. Constantine, stay." She said flatly. While everyone rushed excitedly. Ito na naman po tayo.
"You are not paying attention to my class. You are busy murmuring something to yourself." She pointed out while giving me a side glare.
"I am paying attention to your class, Professor. I just have different technique of memorizing." Pag-rarason ko.
"I will leave you with your stupid excuse." Saad naman nito bago ako irapan kuhanin ang gamit niya. Ang attitude niya so much.
Pero napa-iling na lang ako because she is so adorable. She looks so soft yet so fierce.
***
Maaga natapos ang mga klase at agad na tumambay kasama nila Hail sa cafeteria. And speaking of them they have never-ending gossips.
"Hail, alam mo ba kanina kinilig ako," Masayang kwento ni Zoe habang kaming dalawa naman ay immersed sa sinasabi nito.
"Bakit naman?" Tanong ni Hail na halatang interesado din. Well, ngayon lang siya nag-kwento na kinilig siya after months na palaging rant at reklamo lang na puro pabigat mga ka-blockmates niya sa groupwork.
"Ngumiti sa'kin si RDV, sis. Tapos sinabihan ang presentation ko ng great job." Sagot nito na malawak ang ngiti. Pero nakuha ang atensiyon ko sa mga sinabi niya. Yung masungit na 'yon? Ngumiti sa kaniya? Edi sana all. Hindi naman ako na-iinggit. Sobra lang.
Ngumiti siya, sis. Nangitian siya! Hindi naman masama ang loob ko. Teacher's Assistant na ako at lahat pero ni great job or good wala. Tapos siya nakatanggap ng smile and great job? Lord, naman e.
"Hindi kaya nag-hallucinate ka lang?" Pambasag ni Hail. Hinampas naman ito ni Zoe sa braso at tumawa naman si Hail dahil sobrang epic nung pagkalukot ng mukha niya after niya marinig ang pang-aasar ni Hail.
"Kahit ipakuha ko pa ang CCTV footages." Mayabang na wika nito sa amin.
Nagulat naman kami nang may biglang tumikhim sa likuran namin. Nagulat naman ako nang biglang kumislap ang mata ni Zoe. Meaning nasa cafeteria na ang Devil.
"Sorry to bother pwede bang maki-share kami ng table?" Professor Manuel. Lord, kung hindi po dumating si Professor Manuel baka hindi ako sa Covid-19 or Death Threats mamatay. Sa inggit.
"Sure po." Naka-ngiting saad naman ni Hail. As usual, walang imik ang alter ego ni Elsa. Sungit talaga.
"Miss Rev, thank you po pala sa few pointers kanina for my future presentation." Masiglang saad naman ni Zoe. Hindi naman ako madaling magalit pero yung anger issue ko lumalala na. First name basis din? Kami na Professor's Assistant ni Miss Reverence ay bawal tapos itong si Zoel kung maka-tawag ng Miss Rev akala mo sobrang close nila. Kainis. Hindi na tuloy masarap ang kinakain ko.
"That's nothing, Miss Gomez. I will look forward for more good discussion with you." She said lightly. Kapag si Zoel may pagka-soft spoken kapag sa amin kulang na lang itapon kami sa kabilang outer space. Lord, yung unfairness naman ay kalmahan mo lang.
"Are you okay, Rue? Hindi mo na ginagalaw ang pagkain." Concern na tanong ni Hail na tinanguan ko lang. Hindi niya lang alam na gusto ko na lang maging si Zoel Gomez para maging favorite din ako ng isa d'yan. Panget ka-bonding. Lagi pa kaming pa VIP ang subjects namin sa kaniya. Kahit major subjects Professor hindi maka-angal.
"Miss Constantine, I heard you are pianist," Pambasag naman ni Professor Manuel. Maganda siya and soft spoken. Pero mas maganda yung katabi niya na feeling gold at ayaw mamansin.
"Yes po," Sagot ko naman kay Professor Manuel and she smiled widely. And ang charming ng gummy smile niya.
"What's your favourite piece?" Tanong naman nito habang marahang kumakain. Halatang galing sa mayamang pamilya dahil sa poise niya. Yung katabi naman niya ay si Hail at Zoel ang sinasagot sa mga tanong nila. Yung ngiti ni Zoel Gomez ay nakaka-inis na please.
"La Campanella," Sagot ko naman na kumuha ng atensiyon ni Miss Manuel.
"You have talented fingers then," Saad nito na nagpa-init ng pisngi ko. What the fuck? Why I am having this unholy thoughts?
"I mean, I would like to hear you play someday. You are indeed talented if you can play La Campanella with ease." Dugtong ni Professor Manuel na ngumiti sa akin. Nung tumingin naman ako sa katabi niya ay inirapan ako. Beh, ang attitude? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
"Professor Manuel, I could include you as a guest to our Classical Performance this coming weekend." Naka-ngiti kong saad habang kumislap naman ang mga mata niya. Ang cutie.
"Please drop the Professor Manuel. You can call me Miss Freya." Naka-ngiti pa rin na saad nito. Buti pa kamo si Miss Freya naka-ngiti sa akin. Yung katabi niya ni pagpansin pahirapan. Ang hirap mo naman maging girl crush, Miss.
"Please, don't tell me you are the same sensation from London." Excited na saad naman ni Miss Freya. Kahit ayoko sabihin ay tumango na lang ako.
"I knew it! I am such a great fan." Wika nito na fangirling era na ata. At walang sawang dinaldal ako about sa Classical Music. She is a fanatic and Music Teacher base on her story. Ngunit na udlot ang isa niya pang tanong about sa pag-quit ko dahil sa pag-tikhim ng masungit na katabi niya.
"Can we change the topic? You are making us feel like we are not really sharing the same table." Reklamo naman nito na monotonous pa rin. Habang nag-mouthed lang si Hail sa'kin na patay daw ako.
Wala naman akong ginagawang masama ah!
Palibhasa mainit ang dugo sa'kin ng Devil na 'to.Napuno naman ng awkward atmosphere after niya kaming sitahin ni Professor Manuel. Habang bumulong lang sa'kin si Prof Freya na pagpasenyahan na lang daw at baka daw pinanganak na maging grumpy daw si Prof na nagpatawa nang bahagya sa'kin na gumawa ng ingay sa table na naging daan upang samaan niya ako ng tingin.
Hala, bakit ba ako? Nakiki-tawa lang naman ako. Pahamak ka Professor Manuel! Feeling ko dadaan ako sa impyerno after namin dito sa cafeteria. Ipinapatawag niya kasi kami minsan for few reminders. Sana huwag ngayon, please.
"Miss Constantine, I am requesting your presence in my office later. Kindly inform others." Malamig na saad nito bago tuluyang nag-ligpit ng kinainan nito. She is the epitome of grace and sophistication. Kahit ata pag-hinga niya may class pa rin. Seryoso ako. She screams power and old money.
Add to cart na sana... pero ang sungit talaga.
***
A/N: Errors ahead. Take care and Godspeed! x
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...