I feel the blood rushed into my cheeks.
****
I immediately texted Miss Sungit aka Professor Villafuente.4:30 pm
To: Miss Sungit
Hi Miss
Anong oras po tayo magkikita for dinner?From: Miss Sungit
Around 7 pm.
Drop by to my office. If you are not here around 7 pm sharp, I will leave without you.To : Miss Sungit
Okay, Miss.
Do you think I should bring something for our dinner?From: Miss Sungit
Up to you.To: Miss Sungit
Ang sungit! Nagtatanong lang e.
seen. 4:38 pm****
Bakit pa kasi ako umasa na magiging approachable ang anak ni Satan na si Reverence Deil Villafuente? One word to describe her is devil. Alam niya talaga kung paano i-hit ang spot ng mga tao and she is never apologetic. She is damn self-assured and preeminent. Siya yung kapag makasalubong mo sa daan ay tutungo ka para hindi mo masalubong ang paningin niya. She will make you feel something under your skin. That's how powerful she is. And talent niya siguro 'yon.
Marami din akong rumors na narinig na kahit maraming gusto mag-reklamo sa kaniya sa pagiging masungit at short-tempered pero walang makagawa because they can't point out anything else. She is flawless. The way she presents herself. Yung superiority complex niya masyadong obvious. She is not narcissistic but she is just confident. At wala namang masama doon.
It is just that, I hate to admit that she is too gorgeous and it hurts. Professor Flores is courting her daw. Panget nila kapag magkasama. Parang may kasamang pet si Atty. Rev. Wow, Atty. Rev? Close lang?
Hanggang ngayon pinagbabawalan pa rin kaming tumawag sa first name niya. Miss, Ma'am, Prof with her surname lang. Pero kapag kay Zoel okay lang? Panget naman niyang ka-bonding.
Tapos na ako sa last class ko. At 6:45 pa lang ay kumatok na ako sa pinto ng opisina nito.
“Come in,” She said. Nakita ko naman itong prenteng naka-upo sa swivel chair niya at may tinatapos sa kaniyang laptop.
“Are you going to stand there forever?” Masungit na asik nito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin bagkus mas mabilis na nagtipa sa kaniyang laptop.
“Hindi niyo pa po ako pinapaupo e.” Reklamo ko naman. Nakita ko naman ang pag-irap nito.
“Cut with your ‘po’ and ‘opo'. It doesn't suits you.” Yung katarayan niya may level din po. Parang yung sugar level ng milktea. Pero mas malala yung kaniya. Ang galing mang-insulto.
“And take a seat.” She added. Habang ako naman ay masama ang loob na umupo sa couch ng opisina niya. Ano pati ito ipagdadamot niya pa?
Her office is nice, it is presentable and organized. It doesn't speak anything personal . Except the law books and other philosophy books in her shelves. Tapos yung pen niya ay fountain pen and Parker pen.
Feeling ko ay regalo sa kaniya since personalized ang fountain pen.“Gusto niyo po bang magturo sa Law School soon since you are an Attorney na?” Curious na tanong ko dito dahil feeling ko mapapanis ang laway ko kapag hindi ako nagsalita.
Ang kasama ko naman parang wala lang sa kaniya ang hindi pagsasalita ng ilang oras. Ewan ko kung ako lang ba. But I feel like I want to be connected to her at some point. Like to share a short conversation that doesn't revolves around school and stuff. A typical casual conversation as friends. Pero fake it until you make it, 'ika nga nila.
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...