Kabanata 47

4.9K 161 38
                                    

A/N: Hello, this chapter contains information which might trigger emotional distress. Skip this part if you feel like the need to do so.  Thank you!

****
4 years ago...

“Mom, ang sabi ko kasi sa'yo ako na lang ang mamimili. Bukas pa sana ako pupunta sa bahay.” Ruelle said, softly. Naka-ngiti din ito sa Ginang habang inaalalayan sa kanilang pinamili. They planned to cook an early dinner habang wala namang naiwang tao sa bahay ng mga Villafuente dahil sumama mag-golf ang haligi ng kanilang tahanan.

“Hindi ka naman makakarating bukas dahil busy ka sa opisina. Kumakain ka pa at natutulog, anak?” Tanong naman ng Ginang habang hindi naman naka-sagot si Ruelle dahil ayaw niyang magsinungaling dito.

“Kaya nga inaya kita ngayon para makakain ka naman. Namayat kana ng sobra. Hindi matutuwa si Rev kung makikita ka n'yang ganiyan.” Ani nito habang ngumiti lang siya dito. She don't have the heart to tell her ex girlfriend's mom that her daughter is not in love with her and just opted to stay with her because she is the safest option.

Mabilis lang siyang tumango at ipinagbukas ito ng pinto. Mabilis naman silang naka-alis mula sa parking space ng lugar. Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang mapansin ni Ruelle na walang preno ang sasakyan. Mabilis ang takbo nila habang may kasalubong na Truck. Agad namang gumapang ang kaba sa kaniya nang bumaling siya sa ina ng dati niyang kasintahan. Reverence's Mom is her top priority.

Hindi siya nagdalawang isip na ibangga sa barricade ang sasakyan para tumigil ito at hindi sila makabangga ng iba pang mga sasakyan. Bago tumama ang sasakyan sa mga barricade ay agad niyang niyakap ang ginang upang protektahan sa lakas ng impact. Mabilis na bumulusok pa hampas ang harapan ng sasakyan sa barricade. Agad namang na-trigger ang airbag ng sasakyan na nagligtas sa mas malala pang sitwasyon.

Ruelle was bleeding. Her arms were crashed by airbags that was triggered by the collision.

“Mom, go! Save yourself. Tell Rev that you are okay. I love you, Mom.” Ruelle whispered softly while her head gushed warm blood. Pero nanatili itong nakayakap sa Ginang hanggang mawalan ito ng malay. Agad namang dinumog ang lahat at tumawag nang agarang tulong.

Marami pang naki-usyoso hanggang sa dumating ang tulong at sinugod ang dalawang sugatan sa pinakamalapit na pagamutan.

Mahina ang pulso ni Ruelle habang binabagtas ang kahabaan ng trapiko patungo sa ospital.

Kaya't ganun na lang ang takot at kaba nila habang binibilisan ang pagdala sa dalaga sa ospital. Habang stable naman ang pulso ng ginang sa kabilang ambulansya.

Mabilis ang kanilang galaw at bawat minuto ay mahalaga dahil buhay ang kapalit.

***
Agad namang nakakuha ng tawag ang pamilya ng Constantine. Informing them that one of their heiress was severely injured.

Mabilis naman nilang ipinabura lahat ng balita at mga bagay tungkol sa aksidente. Dahil sa galing sila sa mga respetadong pamilya ay agad nawala ang ugong ng balita. Walang nagtangkang magsalita tungkol dito.

LoverWhere stories live. Discover now