I unconsciously bit my lower lip to suppress my wide grin. Dahil kaunti nalang ay mapagkakamalan na akong baliw dito. How can someone look that angelic while sleeping? Ganon ba talaga ka-unfair ang mundo at kailangan iparamdam sa ganitong paraan? Aware naman akong maganda ako. Pero parang kapag tumabi ako sa masungit na natutulog ay parang insulto pa ang maganda sa kaniya.
Para siyang si Hera ng Greek Mythology. She is the reason why standard was made. Literal na lumuhod kayong lahat, ganon ang siste.
And I love that idea, how she is not for everyone. Certain people are allowed to get to know her. How she is like when she is in her home. How she is close with her Mom and Dad.
"W-what are you doing here?" Nahihirapang tanong nito. I am not used to seeing her demeanor like this. She looks weak and helpless yet she still manage to look perfect.
"Nagbabantay po. Your mom was worried sick when she called awhile ago and she insisted that she will be at ease if I will be here po." Pagdadahilan ko dito.Wala naman kasing sinabi na ganon si Mom. Sadyang ayoko lang sabihin na gusto ko siyang bantayan.
"You may go. Hindi ka naman pala nagkusang-loob." Saad nito at hindi ko lang narinig ang huling sinabi nito dahil naging mahina ang kaniyang boses.
Hindi ko na lang pinansin ang utos nito. It would be stupid not to take care of her especially when she is like this.
Agad naman itong umupo mula sa pagkakahiga at napansin ang coat na ngayon ay nasa kandungan na niya. Agad itong nag-iwas ng tingin noong nagtama ang mata namin.
"Mom told me to take you home when you wake up." Saad ko habang inaayos ang gamit naming dalawa.
"Don't bother. I can manage myself. And stop messing with my stuff." She manage to say that with a hard tone. Pero agad ko naman napansin ang pag-inda nito sa kaniyang ulo.
"Hmm okay. I will call up Mom and tell her that you are being stubborn." I said lightly trying to test if this one will work on her.
"Call her up. I don't care." Mayabang na saad nito.
Dahil masunurin ako ay agad kong kinuha sa aking bulsa ang phone at ni-dial ang number ni Mom.
"Mom?" Tawag ko dito matapos niyang sagutin ang tawag.
"Yes, sweetie? Is it about Revie? Nasaan siya?" Sunod-sunod na tanong nito.
"I will just say something po and opo, nandito po kami sa office niya."
"Hmm that's good."
"Mom, yung anak niyo ang sabi sa'kin, Call her up-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla itong hinablot ng kampon ni Lucifer.
"Mom, no... I mean, yes. Fine, we are going home." Saad niya. Nakita ko din ang laglag balikat nito. Indikasyon na napagalitan ng kaniyang ina kaya masama ang tinging ipinupukol sa'kin. At padabog na inabot ang phone sa'kin. Madami akong pambili ng phone pero beh, hindi ba uso sa magandang masungit na ito ang dahan-dahan lang?
Ang sakit niya sa ulo.
"Drive me home," Utos nito at nag-iwas ng tingin. She looks like a defeated kid.
Walang imik akong nag-patuloy sa pagaayos ng gamit namin. Agad ko naman siyang inalalayan na tumayo habang hawak ang gamit namin pareho at ako na din ang nag-sarado ng office niya. Wala masyadong tao sa corridor dahil ang iba ay may klase pa at ang ibang department naman ay walang schedule ngayon.
Tahimik lang itong naki-ayon kahit na alam kong napilitan lang ito.
Mabilis kaming nakarating ng parking lot. Agad ko siyang pinagbukasan ng pinto ng kotse at agad na umikot para ilagay ang gamit namin sa backseat. At agad na sumakay upang mag-drive na pauwi sa kanila.
She usually stay in her condo. Paano ko nalaman? Close kami ng Mommy at Dad niya. Ganun talaga kapag maganda at isa sa favorite ni Lord.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila.
Her Mom opened the door for us and worriedly help us even though I assured her that we are good.Mabilis namang inalalayan ng kaniyang ina sa kwarto niya ang magandang kampon ng kadiliman. Pero guys, siya lang ay may sakit na mukhang fresh pa. Ang pangit ka-bonding. Her lips were in deep crimson. Her face is also flushed kanina.
Ganito ba lagnatin ang maganda? Lalong gumaganda? Ako nga naranasan ko din 'yon, ang lagnatin...
Kapag ako ang nagkasakit parang kukuhanin na agad ng kabilang buhay. Mukha akong sabog na ewan. Tapos makikita kong ganito lagnatin ang isang 'to. Ang unfairness talaga.
"El, pasensya na ha? Revie is definitely stubborn when she is sick. And I am glad na napasunod mo 'yon." She said softly. Ang ganda ni Mom. Alam mo talaga kung saan nagmana ang masungit na 'yon. Her father looked like a great noble man.
They are attractive family. Buti kamo walang kapatid si Attorney kung hindi ay lalo na.
"Nasungitan po ako e." Kamot sa ulong saad ko at tinawanan lang ako nito.
"El, that's just Rev being Rev. But she is really sweet and charming kid. Definitely his father's little lady." Sagot nito at binigyan ako ng slice ng cake at orange juice. Dahil kahit tumanggi ako ay ipinaghanda niya pa rin ako biglang reward daw for at least taking care of the sassy devil.
"El, can you please check on Rev? Pupunta lang ako ng Grocery para bumili ng iba pang gagamitin. Is that okay tho?"
"Opo, Mom. Sa condo naman po ako uuwi. Wala naman pong maghahanap sa'kin." Sagot ko and she just gave me a grateful smile.
Reverence Villafuente got her Mother's eyes. They are identical. Blue naman kasi yung sa Dad niya.
But she got her father's nose and chin. The rest ay pinaghalo na. Pero pinaka-attractive feature niya talaga ay smile, eyes, nose, and her lips.
Parang kapag nagkaroon ng beauty contest for Professors kahit sa Philosophy Department siya ay baka doon pa ako mag-cheer.
Maganda naman ang ibang Professors. Maganda si Prof Manuel. Pero yung level ng ganda ng Professor niyo sumasapaw. Pang main character palagi.
Well si Reverence Deil Villafuente na 'yan e.
Nagluto ako ng Chicken soup dahil may ingredients naman at kawawa naman ang masungit na 'yon if magugutuman.
"Attorney, kakain na," Tawag ko dito.
Umungol lang ito. Shit.
I set the tray on side table.. Saka siya inayos ng upo sa bed. Mahinang mahina si Sungit.
"Kakain na po," Paguulit ko. Matamlay lang na binuksan nito ang mata at tumango. She looks like a cute baby. Her sleepy doe eyes.
Tahimik kong pinakain ito. At salamat naman sa lahat ng santo at diyos at walang reklamo namang kumain ito. Tahimik din itong uminom ng tubig at gamot. Mabilis kong niligpit ang kinainan nito at lumabas noong bumalik ako at umupo sa tabi nito upang tignan kung mainit pa ito ay yumakap ito sa'kin.
"Don't go.... Ichi... okay?" Bulong nito.
Ako naman ay hinayaan lang ito at tumabi sa kaniya dahil talagang nanginginig siya.
Naka-tulog na din ako sa tabi niya. Bahagyang bumaba na ang lagnat nito. Sigurado at bukas ay may lakas na ulit siyang magsungit.
At mas okay pa 'yon. Kaysa may sakit siya.
Lumabas naman ako at naabutan kong naghahanda na ng Dinner. And Papa and Mom were setting the table.
"Hahanapin kana sana namin, El." Saad nito habang tumawa lang ako nang bahagya.
"Nakatulog na po ako sa tabi ni Ma'am. In fairness hindi po ako sinungitan kanina," Pagbibiro ko dito.
"Naku achievement nga 'yan." Pagsakay naman ni Papa habang tumawa lang sa'min si Mom. Sinabayan ko na din silang kumain bago nagpaalam na uuwi na.
Today was something else. And I am terrified that I am getting there....
I am now in verge of losing myself to her.
Anong meron sa'yo?
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...