And my love grows profoundly, Reverence.
***
Nagising ako bago mag-landing ang eroplano namin. Habang ang magandang katabi ko ay natutulog pa rin. Ang amo ng mukha niya parang hindi niya kayang gumawa ng kahit anong kasalanan. At inubos ko lang ang oras ko sa panonood nang natutulog kong kasamahan hanggang lumapag na ang sinasakyan namin.
Her delicate skin is glowing. And it looks so soft and all you want to do is to caress her face.
Natigilan naman ako noong unti-unting nagmulat ang mata nito.
“You look like a lovesick puppy. Done staring?” She whispered in her raspy voice. Bahagyang tumalon ang puso ko dahil sa kaniya. This woman will be the death of me. Hindi siya aware kung anong epekto niya sa'kin.
“Hindi pa. I just can't stop myself from staring. Too gorgeous.” Kumento ko habang umirap lang ito bago tuluyang umalis sa pagkakahilig sa akin.
“Hindi mo sinabi na nandito na tayo.” Angal nito dahil napansin niyang kanina pa pala nag-landing ang eroplano.
“I was busy,” I reasoned out.
“Busy with what?” Naka-taas ang kilay na tanong nito.
“I was busy adoring you. At hindi wala pa namang five minutes simula noong lumapag tayo.” I replied cheekily habang wala itong nagawa kundi magbuntong hinga. Tila napapagod na makipag-usap sa'kin.
Mabilis naman akong nag-ayos ng gamit namin habang inalalayan siya sa pagbaba. As usual nasa baba na ang mga tauhan ko. Dahil alam nilang ngayon ang lapag namin.
I handed them the baggages. Habang inalalayan ko papasok ng sasakyan ang magandang abogada. Dahil magpapahatid lang kaming dalawa sa bahay nila. Ayokong mag-drive, nakakatamad.
Kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Hindi ko na rin siya kinulit dahil alam kong medyo balisa siya lalo't linggo na bukas at sa lunes ay balik university na kami.
Alam ko rin na marami siyang nakalatag na kaso at sobrang busy niya this week.
Nagulat naman ako noong tumunog ang phone niya.
Mabilis niya naman itong sinagot.
“Yes, Dad. Kasama ko yung paborito niyo. Papunta na po kami d'yan.” Narinig kong pagkausap nito.
“Yes, Dad. I know. I love you. See you.” Huling saad nito bago namatay ang tawag.
Hindi ko napigilang ngumiti dahil sobrang cute ng relationship nila ni Papa. She is really a Daddy's Girl. Kaya ganun na lang ang closeness nila ni Papa. Pero close din naman sila ni Mom pero iba yung bonding na meron sila ni Papa na sila lang ang may alam.
I am closer to my both parents. Si Dad si Ate ang paborito at si Mom naman ay ako. Pero si Ate Louise ang paborito ko sa kanila. My sister is my bestest friend.
“Hinahanap ka na nila. I am now getting offended by how my parents are constantly looking for you instead of me. Ako kaya ang anak sa ating dalawa.” Reklamo naman nito habang napatawa lang ako.
“Hayaan mo mararamdaman ko din 'yan once makilala ka ng pamilya ko. Baka nga ipagpalit na agad ako sa'yo wala pang limang minuto.” Natatawang saad ko. Habang masama pa rin ang timpla nito. Ang cute e.
“How was it with your family?” Bigla namang tanong nito pagkaraan ng ilang minutong pagtahimik nito.
“Mas magulo dahil may mga pinsan ako from both sides. Lahat sila competitive at may strong personality. Kaya maingay at sobrang wild palagi ng atmosphere.” Kwento ko naman habang nakikinig lang ito.
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...