Matulin ang takbo ng panahon. Second year na ako sa kinukuhang Business Program. At Professor naman namin siya ngayon sa major subjects.
Kung Ruthless siya noong Freshmen kami. Ngayon mapapasabi ka na kampon siya ng kadiliman. Walang humihinga kada session namin ng ambush recitation at index card drills.
Kahit naman girlfriend ko siya ay iba pa rin kapag nasa trabaho siya. Sobrang taas ng professional ethics niya. Tipong ibang tao siya kapag nasa school. Well, mas masungit naman talaga siya kapag nasa school. Literal na resting bitch face talaga.
At madamot talaga siya ngumiti. Isang beses pa lang ata siya ngumiti noong may event. Kaso professional smile naman 'yon. Kaya't usap-usapan sa department namin na parang 5 million dollars daw ang ngiti niya. Parang mga tanga lang. Pero magbabayad ako kahit ganun ka mahal ang ngiti niya.
Pero alangan namang i-broadcast ko sa ibang department na wala naman akong binabayaran para makita ang maganda niyang ngiti. Well, blessed!
At ganun pa rin ang routine namin. Susunduin at Ihahatid ko siya pauwi. Madalas din akong nasa office niya kapag vacant. At alam na rin ni Zoel na kami na. Si gaga hindi ba naman ako pinansin sa loob ng isang linggo dahil inagaw ko raw sa kaniya ang crush niya. Wala naman akong inaagaw. At alam naman ng lahat na halos kalahati ng nasa faculty na lalaki ay may crush kay Ma'am. Kahit nga yung may mga asawa na. Gayundin ang mga students dito.
From Engineering Department palang. Baka nga kapag nagsabi ako na mag-hulog ng tig-pipiso ang may gusto sa kaniya ay makuha ako ng lampas isang libo. Crush ng bayan ba naman. Kahit nga makakita lang sa kaniya sa mall magiging crush siya. Ang ganda ba naman.
Wala akong magagawa don, maganda ang girlfriend ko e. At mayroon silang mata at titingin talaga sila. Pero kapag may lumapit baka kaya naman nilang sumalo ng bala diba?
***
“Constantine, help me with these.” Wika naman nito matapos ang klase. Wala maganda siya, she is wearing her hair down. With her professional black button down blouse, boyfriend jeans, and her back heels.“Copy,” I replied. Habang nagsisi-alisan ang mga kaklase ko. Habang si Hail naman ay nang-iinis na tingin ang binigay sa'kin. Papansin talaga so much. Akala mo naman may ambag yung pang-aasar niya sa lipunan.
“Ruelle, una na kami kunain ni Zoel ha?” Ani nito habang may nang-aasar pa ring ngiti. Habang yung magandang abogada walang pakialam.
“Okay, sige.” Sagot ko naman dito bago ito tuluyang umalis.
“Your mind is floating somewhere else during discussion,” She said, casually while giving me a warning look.
“Nakikinig kaya ako, Attorney. I aced the drills and ambush naman ah!” Reklamo ko naman dito.
“We both know that you were not listening intently and you just aced that the drills and ambush because you did advance reading, right?” She said as a matter of fact habang inirapan ako.
“Lagi naman akong nag-aadvance reading. At nakikinig din ako kanina.” I said while pouting.
“Nonsense, Constantine. Para kang naluging bata habang nag-ddiscuss ako kanina.” Masungit naman na basag nito sa pag-iinarte ko.
“Nakinig nga ako e.” Giit ko. Pero lutang talaga ako kanina.
“Whatever floats your boat. Put my things in my table and go with your friends. I will be busy hindi kita makaka-sabay mag-lunch. I still have class.” Saad nito habang laglag ang balikat kong tumango at sumunod dito papuntang opisina niya.
Ang panget ng araw na ito, sobra.
***
Lulugo-lugo akong pumunta ng cafeteria. Para akong batang nagtampo. Kasi sino ba naman ang hindi mag-tatampo n'yan?
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...