Kabanata 46

4.6K 168 53
                                    

Hindi niya naman kinaganda 'yon! Kastigo ng utak ko habang tinitignan si Red habang nakahilig kay Ichi. Habang wala lang pakialam yung isa.

Kapag hindi siya mapapasakin pwede bang lupa na lang makinabang sa kaniya, Lord?

Ang sakit na kasi nila sa mata. Akala mo naman bagay na bagay sila.

“Deil, Iha! Dito ka sa tabi ko.” Request naman ng Lola ni Ichi. Sobrang malambing sila sa'kin. Nanay ito ng Mommy ni Ichi. Ang Mommy naman ni Dad ay matagal nang namatay. Pero ang alam ko si Ichi din ang paboritong apo.  Wala na siyang Grandparents sa side ng Papa niya.

Si Lolo Charles ay namatay lang 3 years ago. I even attended the funeral. Ang Mommy at Daddy lang ni Ichi ang nakaka-alam na nandun ako.

And remembering that 3 years ago made me want to choke someone to death. Kapag umiiyak kailangan talaga yakapin na lang sa buong duration? Ano hugging therapy ba dapat ang ginagawa? Nakaka-inis.

Three years ago pa kuhang-kuha ng Red na ito yung inis ko. Yung sama ng loob ko sakanilang dalawa ay puno na.

“Hindi naman halatang nagseselos ka, Deil.” Ani ni Lola sa'kin kaya napabaling naman ako dito at nag-iwas ng tingin.

“How can I not? They looked cozy.” I replied while Lola just chuckled.

“Hindi ko alam kung gagaan ba ang loob mo sa magiging kwento ko.” Marahang ani nito na mas lalong nagpasiklab ng kuryosidad ko.

“Ruelle is Red's first love. Red was her childhood sweetheart. Kahit noong una pa lang Red adored Ruelle. Even before they parted ways, Red promised that if ever they are still single in their 30's ay silang dalawa ang magpapakasal. Alam ng lahat 'yon. They like yin and yang. They balanced each other. Ruelle is actually very timid and shy kid. Pero dahil makulit si Red, she makes our little Ruelle try things. And it took us by storm, after Ruelle asked for our support when she decided to pursue music overseas. Red never Los contact with Ruelle. At ngayon all I know is they are living together. Kasal na lang ang kulang.” Kwento ni Lola habang naka-tanaw sa dalawa ngayon. Habang tumatawa si Red habang nag-kukwento si Wayne sa kanila ni Red.

Si Wayne na pinagselosan ko din. Hindi ko naman kasi alam na mag-pinsan sila. Nakaka-inis naman 'tong si Ichi na wala man lang sinabi. Sobrang napahiya talaga ako noong unang family dinner namin.

Pero yung kwento ni Lola mas lalo lang ako nilugmok. First love? Anong laban ko sa First love? And add the fucking fact that she is a Tuazon.

This is making me feel so fucking bad. Na parang sana nanahimik na lang ako sa bahay. Pero inimbita ako ng personal ng pamilya nila kaya mas lalong nakakahiya kung hindi ako pupunta.

“Doon lang sumuko kana agad. What if I told you that Ruelle's first love is not Red?” Tanong naman ni Lola Amelia.

“Pero kasasabi niyo lang po. Ruelle is Red's first love.”

“Kaya nga. Ruelle is Red's first love... Si Red lang. Ruelle pertains her like a twin or sister. Red is her counter part. Kapag nandun si Red ay nandun din si Ruelle. But Ruelle's first love is not Red... I remember my favourite baby telling me how she her first love during her first classical performance.” Lola Amelia said at mas lalo lang ako naguluhan. So, bukod kay Red mas hahaba na naman ang listahan ng mga kaagaw ko?

Pwede bang humanap na lang sila ng sakanila? O kaya pumili sila sa nangungulit sa'kin.

“Hindi niya na ulit nakita ang first love niya. But she told me that once she saw her first love ay pakakasalan niya ito.” Lola said while smiling widely.

“So, Red is not actually the threat but her first love. At kilala ko ang apo ko. She always keeps her words.” Lola even chuckled while watching her favourite grandchild with fondness.

LoverWhere stories live. Discover now