Kabanata 50

5.3K 157 14
                                    

Noong makarating ako ng condo ay parang walang pumapasok sa utak ko kung hindi ang nangyari kanina sa kotse noong inihatid ko sa condo niya.

Parang may mali talaga. Hindi ko pa siya nakita na ganun katakot na parang naging okay lang siya noong makita niya ako noong nagising siya.

Kaya dahil sa sobrang pagaalala ay hindi ko napigilang i-text si Mom.

Agad naman ako nitong ni-replyan na hindi niya daw gustong panghimasukan kung anong magiging desisyon ng anak niya. Kaya mas mabuti daw kung pupunta nalang ako sa bahay nila dahil doon naman daw umuwi si Attorney.

Ipinagpaliban ko na rin ang pagpunta dahil malalim na ang gabi ngunit hindi ako pinatulog noong mga nakita ko. Parang may mga bagay akong hindi alam tungkol sa kaniya.

Is it about her stay in Harvard? Naging ayos lang ba talaga siya sa loob ng limang taon? O pinaniwala ko ang sarili ko na okay lang siya at masaya bilang pagpapalubag-loob.

Halos hindi ko na rin naman namalayan na nilamon na pala ako ng antok sa sobrang pag-iisip sa kaniya.

Maaga pa lang ay maaga na akong gumayak para bisitahin siya sa kanila. Bumili rin ako ng mga gusto niya tulad nung favorite niyang doughnuts at chuckie. Bumili din ako ng bulaklak para sa kanilang dalawa ni Mom. At isang 27 years old wine naman ang dala ko para kay Papa.

Mabilis ko namang narating ang kanila dahil kilala na rin naman ako ng mga guard sa subdivision. At madalas din kaming tuksuhin ni Attorney na baka raw sa makala ay bihira na lang daw umuwi si Attorney sa village at ibahay ko na. Tinawanan lang naman namin ito at madalas silang abutan ng pera o kaya pagkain kung minsan.

Kaya nga ang bansag na sa'kin ng mga iyon ay Big Boss. Ewan ko ba ang lakas maka-gang leader nung palayaw na binigay nila.

Nag-door bell ako at sinalubong naman ako ni Mom na agad akong niyakap at hinalikan sa pisngi bago tuluyang imbitahan sa loob. Agad naman akong niyakap din ni Papa.

At kapwa natawa pa sa mga dala ko.

“Daig pa ang aakyat ulit ng ligaw ah!” Biro ni Papa na kinapula naman ng pisngi ko. Alam naman nila na mahal ko pa ang unica hija nila. It's an open-secret to my closest friends and to them. 

But they are still hoping that I will find someone that'll settle down with.

“Si Papa parang hindi kilala ang anak niya...” Makahulugang saad ko na kinaiwas nito ng tingin. He knew what I meant.

“Si Attorney po?” Tanong ko naman kay Mom na busy sa pag-aayos ng bulaklak na dala ko sa vase nila.

“Iyon nga at hindi pa nababa sa kwarto niya.” Ani ni Mom na tinatapos ang paglagay ng bulaklak sa vase.

Nagulat naman ako noong marinig ko ang bumabang si Attorney. Halatang kagigising lang dahil magulo ang buhok nito at mukhang kababangon lang.

“Mom, nakita niyo po ang charger ng phone ko?” Diretsong naglakad ito pababa at tila hindi napansin ang presensya ko. Dumiretso ito sa refrigerator nila para kumuha ng bottled water.

“Nasa side table sa may sala, sweetie.” Maagap naman na wika ni Mom. Tumuloy lang ito sa pag-inom ng tubig at dumiretso ng sa pagdampot ng charger niya. Noong mag-angat ito ng tingin ay agad nitong naibagsak ang charger na kukuhanin niya dapat at tumakbo pa-akyat.

Nakita ko naman ang pagtawa ng mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak. I mean ang adorable ni Attorney. I mean her morning bare face is such a flex. Parang gumigising lang siya para maging maganda. Halos isang himala nga na nataranta pa ito because Reverence Deil is always self-assured that she looks flawless and goddamn irresistible.

LoverWhere stories live. Discover now