Kabanata 7

4.7K 157 24
                                    

Mahaba ang naging maghapon namin dahil Friday ngayon. Kapansin-pansin din ang usual drill ni Professor Villafuente. At masungit pa rin siya.

Pauwi na ako. Time check 8: 50 pm na po at palabas pa lang ako ng school. Buti na lang naka-bili na ako ng automatic feeder ni Nixx. He is like a cat so walang problema. He is always asleep which favors my current situation.

I am on my way towards my car when I spotted a familiar silhouette of a woman.
Ang creepy lang dahil kaunti lang ang ilaw sa parking lot dito.

Noong makalapit ako ay doon lang nag-process sa'kin na Si Professor Villafuente 'yon. Inaayos ang kotse?

"Ma'am?" I tapped her shoulder and she suddenly flinched under my touch.

"Gracious, Constantine. You startled me." She hissed under her breath before clenching her teeth. Siya na nga itong natakot pero biglang may ganang mag-sungit. Kahit sinong multo hindi na magtatangka na takutin siya dahil baka kahit sila ay sungitan lang.

"I apologize. Concern lang ako, Ma'am." Sagot ko sa obvious na pagsusungit nito. Wow, siya na nga ang tinitignan ang kalagayan siya pa rin ang maganang magsungit. Ano ito Reverence Deil "Feeling Gold Era" Villafuente?

"Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ko dito tapos she gave me side glare kind of saying that it was fucking obvious why she is still here.

"What happened to your car, Ma'am?" Tanong ko para naman makabawi sa unang walang kwentang tanong ko kanina.

"I don't know. It won't work. It was okay when I went here." Sagot nito na ipinagpasalamat ko sa Diyos dahil kadalasan talaga sassy siya sumagot or bara kung bara.

"Ilawan niyo, Miss. Check ko." Presinta ko dito at mapanghusgang tingin lang ang pinukol nito sa gawi ko bago ilawan ang naka-bukas na hood ng kotse nito.

"Papalitan ang battery. May extra battery ba kayo sa likod?" Tanong ko after ko tignan ang loob.

"I don't usually have tools in my car especially battery since our family driver maintain our car." Sagot naman nito with her furrowed brows. Ang adorable mo naman na frustrated. Grabe ang unfairness ng Diyos. Halatang-halata e.

"I will call someone from Casa. Ipa-tow na lang po nating para magawa kinabukasan. At sumabay kana po sa'kin." Pag-suggest ko.

"I can manage." Masungit na sagot nito na nagpataas ng aking kilay. Wow, siya pa ang ma-pride concern lang naman ako.

"I insist, Professor. Tayo na lang ang nandito and it's too dangerous for you to hail a cab from here." Frustrated na ani ko dito pero feeling ko mas pipiliin niya maglakad kaysa sumabay sa'kin. Wala naman akong magagawa. Bahala siya.

"I said, I can manage." Gigil na wika nito. She looks frustrated and tired. Ganun din ako. Okay, bahala na siya.

Nag-dadabog akong naglakad palapit kung saan naka-parada ang kotse ko. Habang nakita ko naman siyang nakapamaywang ang isang kamay habang ang isa naman ay nakasapo sa kaniyang ulo at mamaya pa ay bahagyang sinuklay pataas ang nakalugay niyang buhok.

Nagulat naman nang biglang bumuhos ang ulan. Agad naman akong tumakbo palabas ng kotse dala ang jacket at payong na nasa shotgun seat ng sasakyan kanina.

Agad ko naman siya hinila para maka-sukob sa payong and she is shaking.

"Mamaya kana po magalit ha? We need to get in my car. It raining hard and it would be impossible to hail a cab from here. I know that you don't my help and that's okay. But I can't just stand there doing nothing." I said while holding her close para hindi kami mas mabasa ng ulan. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto at mabilis na umikot para pumasok sa driver's seat.

LoverWhere stories live. Discover now