I want to teach you how forever feels like - TS
***
Maaga akong nag-ayos ng gagamitin para sa magiging set up namin. Dahil susunduin ko pa siya mamaya sa kaniyang office. Sana lang ay hindi siya bad trip dahil feeling ko makaka-apekto ang mood niya sa magiging dinner mamaya. Sana naman ay malakas pa ako kay Lord.
Tipong mga dasal na lang ang alalay ko at pabor ng langit kung bakit pumapayag siyang ligawan ko. I know that she is now beginning to feel comfortable with me. Pero paano kung nasasanay na lang siya sa‘kin?
Na kaya lang siya kumportable ay dahil wala naman siyang choice?
Pero ayokong pangunahan ako ng mga ganitong kaisipan lalo't plano kong i-treat siya dahil lately alam kong mas madami ang naging work loads niya. Since after this week ay finals na namin.
Wala namang bumagsak sa block namin sa kaniya. Yung mga Accountancy Students lang ang naka-tangggap ng hagupit ng kaniyang kalupitan. HAHAHAHAHA
Pero naawa din naman ako sa mga may bagsak at kailangan mag-comply sa kaniya. Kasalanan din naman kasi nila, lagi silang absent. Sa galing mag-turo ni Attorney kahit hindi mo maintindihan yung lesson kapag naituro niya na magiging malinaw pa kaysa sa future mo.
Hindi ko siya ni-compliment kasi gusto ko ng plus points. It is the truth though. She is always regarded as one of the most important part of the faculty. She is brilliant and super professional.
At parang kinulang ata ang dasal natin. Dahil nag-text si boss na sa office niya na lang daw ko siya intayin. And here she is...
In her usual authoritative aura. wearing beautifully her designer brown slacks, white button down long- sleeve and her classic blazer.
Yes, kinaganda niya yung blazer.
The blazer is just sitting on top of her shoulder while wearing her RBF today. Well, sanay na naman ako sa RBF niya pero parang matamlay na version 'to? Did something happen?
Agad naman nitong ibinaba ang gamit sa kaniyang table at bumaling sa akin.
“Need a hug?” Biro ko dito noong tumayo na ako sa pagkaka-upo matapos niyang bumaling sa'kin.
Nagulat naman ako noong pumasok ito sa naka-bukas kong mga braso at agad na lumapit.
“Badly,” She whispered. And I melted. She rarely have this melt down or vulnerable moments. And I am happy that she is allowing me to see her like this.
Hinayaan ko lang siyang naka-yakap habang marahan kong hinahagod ang likod nito. Hindi naman ako nag-lakas loob na kintalan siya ng halik sa ulo dahil wala naman akong consent at baka isipin niya pang way ko lang ito para i-take advantage ang sitwasyon.
“Do you feel better now?” I asked softly when she tilted her head to meet my gaze. Tumango lang siya at umalis sa pagkaka-yakap.
“Thank you.” She said softly.
“Always, Attorney.” I smiled at her at nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin. Gagi, nahiya na din ako.
Tumikhim ito upang basagin ang awkward na katahimikan.
“Let's go?” Aya ko dito. Tumango lang ito bago nag-ayos ng kaniyang gamit. Nag-presinta naman akong ako na ang magdadala. Hindi na naman siya nakipagtalo pa tungkol sa kaniyang mga gamit.
Nauna itong lumabas ng kaniyang opisina habang kasunod naman ako nito na bitbit ang kaniyang gamit. Lahat ata nang nakakita sa kaniya sa hallway ay humanga at hinabol pa siya nang malagkit na tingin noong makalagpas siya. Goddess problems.
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...