Lumipas ang buong klase na wala akong imik at naka-yuko lang kaya agad na kumalap ng atensyon mula kay Hail na kinumbinse ko naman na ayos lang. Hindi naman siguro nakakamatay ang selos. At kung nakakamatay man sana mamaya pa.
Oo, malakas ako kaya naka-schedule.
“Class dismissed,” Mababang saad ni Attorney. Tila wala sa wisyong tumayo ako sa pagkaka-upo at mabilis na ligpit ng gamit paalis. Inaya pa ako nila Hail na pumunta ng mall kasama si Zoel na mabilis ko din tinanggihan dahil wala ako sa mood na gumala. Naubos na ang energy ko ngayong araw.
Sino ba namang magkaka-energy after mo makita 'yon? Hindi naman kasi ako tank build sa selos. Kaya ko lahat pigilan, selos lang ang hindi lalo na kung tungkol sa kaniya. Akmang maglalakad na ako palabas nang mag-salita ito.
“Constantine, may I have a word?” Agad ko naman siyang nilingon. Hinubad na nito ang blazer niya. Kaya makikita mo na ang makinis at maputing braso nito. Her arms looks appealing too. Lahat na lang ba nang tungkol sa kaniya ay maganda?
Kainis.
“Po?” Tanong ko dito at saka sinalubong ang mabigat niyang tingin sa akin.
“Are you okay?” She asked in a low tone. Naka-tayo na ito at nakasandal sa lamesa sa unahan habang ako naman ay may dalawang hakbang layo sa kaniya.
“I am okay, Professor. Thanks for asking.” Sagot ko at nagbaba na ng tingin.
“Does something happened and you are giving me this crappy treatment?” Direktang tanong nito at binigyan ako ng masamang tingin habang ako naman ay napa-irap lang.
“Wala po. Kung wala na po kayong sasabihin, una na po ako sa inyo, Prof.” Sagot ko dito at akmang lalabas na dala ang gamit ko.
“I didn't mention that you can go, Constantine. Come here,” Madiing wika naman nito napabuntong--hininga na lang ako.
“Po?” May sama ng loob na asik ko.
“Cut the po, stupid. Carry my things.” Magaspang naman na wika nito. Gtabe talaga yung attitude level niya hindi ko na kinakaya.
“Bakit ako pa? May kamay ka naman or better yet ipadala mo don sa mukhang unggoy na 'yon.” Mahinang bulong ko habang binubuhat ang gamit ko at gamit niya.
“You can complain louder, Constantine.” sita naman nito sa'kin na mas lalong nagpa-simangot sa'kin.
Mabilis naming narating ang office niya. At doon ko nakita ang walang bawas na takeout galing sa Starbucks at ang basyo naman ng chuckie sa malapit na basurahan.
At doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Hindi ko maiwasang ngumiti. Lord, kung hindi po assurance yung nakita ko sana hayaan niyo po muna ako maging delulu.
Mabilis kong ibinaba ang kaniyang gamit sa table niya. Ang ilan dito ay ang mga index card at bagong mga folder at laptop niya.
“And by the way, you will drive me home.” Walang prenong wika nito.
“Huh, bakit po? May kotse naman po kayo?” Sagot ko dito na nagugulat at naguguluhan sa kaniya.
“Gusto ko lang and so what if I have a car. I want you to drive me home. End of conversation.” Maagap naman na saad nito bago ako irapan. Soon, iikot 'yan for different reasons.
“Edi tara na Attorney?” Aya ko dito habang nakapamulsang naka-sandal sa malapit na wall ng kaniyang opisina.
“Give me a minute or two. I just need to sign something.” Sagot naman nito sa mas kalmadong tono.
Habang pasensyoso akong nag-antay sa kaniya habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.
Ang swerte at malas ng makakatuluyan niya. Swerte dahil sa kaniya uuwi ang isa sa paboritong anak ng diyos at siya ang piniling pakisamahan at mahalin. Malas dahil marami at marami pa siyang makaka-agaw.
YOU ARE READING
Lover
RomanceIlyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything behind for some reason and start something new in her homeland. By starting a new she will meet this unfathomable human being, RDV. Reverenc...