Chapter 43

62 3 0
                                    

"Haha! Tama ka dyan, Mr. Khalil Retford. Ngayon, atin silang bigyan ng masigabong palakpakan!"

Pumalakpak naman na ang lahat.

"O ito, tubig haha" si Miss Hilda kaya't tinanggap ko naman yung tubig niya.

"Ayos, Khalil!" Aniya nung mga kaklase kong nasa baba kaya't nginitian ko naman sila.

"Pero totoo, nakasira sila sa training room?" Tanong nung dalawa kong katabi kaya't tumango naman ako at nakanganga lang sila.

Si Cedric siguro yung nakasira ng mga display sa training room haha.

Ngayon, nasaan ka ng maramot ka! Huwag mong sabihing ini-scam mo ako ha!

































































































Vanilla's P.O.V.

Napailing naman kami ni Leilah habang nakangiti.

Hindi talaga hahayaan ng babaeng 'yon na babaan kami ng tingin.

"Kaya pala nung sumunod ako sayo sa training room may mga kahoy na nakakalat sa sahig, ikaw pala ang salarin Cedric" si Leilah kaya't napakamot na lang sa batok si Cedric.

"Eh...? Ngayon lang ako nakarinig ng gano'n ah! Kakaiba na nga talaga ang Knowledge Class ngayon" si Kane.

"Hmm..." Si Cole.

Ang tipid naman niya magsalita.

"Hindi na ako makapaghintay na durugin kayo" si Cancer na ikinairap ni Leilah.

"Classes, umupo na kayo sa designated seats ninyo. Dahil atin nang ipapakilala ang ating mga hurado" si sir Lu na ikinangiti naman ni Leilah.

Isa nga pala sa mga hurado ngayon si Jasper haha! Kakamiss din ang bwiset na 'yon.

Agad naman na kaming nagsiupo sa mga upuan namin.

Malapit nga pala kami sa mga kaklase namin dahil nandoon ang flag namin.

"Astig ng entrance ninyo ah" si Jed na ikinangisi naman namin.

Napatingin naman ako kila tiya na malayo sa amin.

"Alis lang ako saglit ha, puntahan ko lang sila tiya" tumango naman ang mga kasama ko.

Pagkapunta ko pa lang sa kanila ay agad ko na silang niyakap.

"Pamangkin ko... parang tumangkad ka ah"

"Haha! Gano'n pa rin po tiya"

"Madam Lady, namiss ko po kayo..." Aniya ko at pansin kong may hinihintay siyang sabihin ko.

"At lalo po kayong gumanda"

"Ayon! Very good ka sa akin" aniya na ikinatawa naman namin.

"Pero alam mo Vanilla, masaya talaga ako nang malaman kong nasa maayos kang kalagayan. Sabi na nga ba at si Almer ang may gawa ng lahat ng ito..."

"Madam, si Shun Laurent Dixon ang dapat nating ikabahala"

"Oo... nasabi na rin sa akin nyan ni Jasper"

"Jasper...?" Bulong ni tiya sa kanyang sarili pero narinig ko naman.

"O ano, hindi pa rin ba nagpapakita sayo yung maramot?"

"Hindi nga eh! Na-scam na ata ako, bwiset 'yon" aniya kaya't napatawa naman ako.

"May tatlo tayong hurado ngayon. Una, ating palakpakan ang Dean ng school... Mr. Andrew Solano!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon