Kabanata 1

112 4 0
                                    

Hemophobia


~~~🌸~~~


Abala ako sa pagpulot ng mga gamit ko na nagkalat sa buong sahig. Kakasimula pa lang ng panibagong araw ko pero ito na kaagad ang bumungad. Nasa harapan ko sina Olivia kasama muli ang buo niyang grupo. Pinag-pasa-pasahan nila ang bag ko katulad ng parati nilang ginagawa at saka kinalat ang buong gamit sa buong hallway. Kung saan-saan napunta ang mga gamit ko. Hindi ko na nga nasundan ang iba.


Marumi na rin ang mga notebook pati na ang mga aklat na dapat ay isosoli ko sa library ngayong araw. Pero natigilan ako sa pagpupulot ng mga gamit ng biglang may isang anino na tumayo sa harapan ko.


"Ano ba talagang problema mo, Olivia? Bakit hindi ako ang harapin niyo para makita niyo ang hinahanap niyo? Ha!" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Eda na hinarap sina Olivia kaya wala sa sarili akong napangiti.


"Palaging si Malia ang pinag-di-diskitahan niyo ah! Ako ang harapin niyo! Halikayo rito!"


Mabilis akong tumayo bago pa makagawa ng gulo si Eda. Hinawakan ko ang braso niya para ilayo kina Olivia. I may have been the target of bullies, but Eda was always there to save me. Kapag nasa paligid siya, hindi siya pumapayag sa ginagawa sa akin ng mga bully. Iyon nga lang at hindi sa lahat ng oras ay nariyan siya.


Pero kapag nariyan naman ay masaya ako at kahit papano may tagapagtanggol ako. Takot din sa kaniya ang karamihan. Kasama na sina Olivia na nakita kong humakbang paatras. Dahil alam nila na kung ako, walang laban at walang balak lumaban, iba si Eda.


Inangat nito ang manggas ng kaniyang uniform sa balikat at umamba at ipinakita ang kamao kina Olivia. She's not a war freak though. Hindi lang siya takot na lumaban sa kahit na sino kahit alam niyang pwede siyang matanggal sa Taekwondo club kung sakaling papasok siya sa gulo.


"Ano? Ha? Si Malia ang palagi niyong binu-bully! Kung matapang kayo ako harapin niyo!" Humakbang ng isa si Eda kaya muling umatras sina Olivia kasama ng mga kaibigan niya.


"Hindi ka kasali rito, Eda. Kaya pwede ba?" Sabi ni Olivia.


Alam ko na nagpapanggap lang siyang matapang pero ang totoo ay takot din ito kay Eda. Nanginig ng kaunti ang kaniyang boses lalo na ng ipakita ni Eda ang kamao niya kay Olivia.


"Siraulo ka pala eh! You are messing with my best friend. Whoever messes with her, that means you are messing with me too. Kaya ano! Ha?!" Sumubok na lumapit si Eda kay Olivia at sa mga kaibigan niya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.


"E-Eda."


Tumingin siya sa akin pero galit ang mga titig. Bumuntong hininga naman ako. Alam ko na sermon na naman ang matatanggap ko sa kaniya pero ayoko lang talaga sa gulo. Ayoko na palakihin pa.


"Tama na. Hayaan mo na sila." Bulong ko sa kaniya pero lalo lang tumalim ang mga tingin niya sa akin.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now