Kabanata 4

85 3 0
                                    

Majestic


~~~🌸~~~


It was really hard for me lalo na at halos isang linggo ko ng iniiwasan si Kian pati na ang mga bully na pilit akong target sa buong linggo. Isa sa magandang nangyari lang ata sa akin ay ang kahit papano, hindi ko na nakakasalamuha sina Olivia.


Iniiwasan ko sila. Nararamdaman ko na effective ang pagbabanta ni Eda sa kanila pero para makaiwas na rin ay ako na ang lumalayo. Ayoko ng gulo. Kahit papano ay natapos ko ang linggo noon ng maayos at tahimik. Panibagong linggo ito ngayon na sana naman ay maging katulad din noon. Tahimik, walang gulo at walang problema. Mas okay rin sana kung narito si Eda pero mag-isa ako sa buong linggo na ito. May tournament sina Eda ngayon kaya wala siya.


Kapag iniisip ko na wala siya ay hindi nawawala ang kaba at takot sa akin. Minsan iniisip ko na kaya lang umiwas sa akin noon sina Olivia dahil alam nilang nariyan si Eda at alam nilang seryoso ito sa banta nito. Pero ngayon na wala ang kaibigan ko, natatakot ako. Baka bigla na lang silang sumulpot.


Natapos ang klase ko sa buong araw ng tahimik kahit na paminsan-minsan ay nakikita ko ang galit na mga tingin nina Olivia. Dahil doon, hindi nawala ang kaba ko sa buong araw at pangamba. Buong grupo niya ang masama ang tingin sa akin sa buong araw o sa bawat pagkakataon na mapapabaling ang tingin ko sa gawi nila. Pero kahit papano ay natapos ko naman ang araw ng tahimik. Pero iyon lang pala ang akala ko.


Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa gate, nakita ko ang grupo nina Olivia. Noong una akala ko hindi nila ako nakita. Pero ng makita ko ang pag-ngiti sa akin ni Olivia, kaagad akong kinabahan.


Humigpit ang yakap ko sa mga librong hiniram ko sa library. Tatlong libro iyon na gagamitin ko sa pagre-review dahil may nalalapit ng exam. Pasimple akong naghanap ng ibang daan para sana umiwas pero sa parteng ito, wala akong ibang malulusutan.


Ito lamang ang daan kaya wala akong pagpipilian. Yumuko ako at binilisan na lamang ang paglalakad ng maramdaman ko ang presensya ni Olivia sa aking harapan.


"Hi, Malia!" Narinig ko na ang boses niya.


Lalong humigpit ang yakap ko sa mga libro bago ako napahinto. Hindi ako tumingala, sa halip, lalo pa akong napayuko at inayos ang salamin kong medyo maluwag na dahil dinikit ko na lang din ng tape ang tangkay nito dahil sa sira nito noong nakaraang linggo.


"Ilang araw ka naming hindi nakausap. Namiss kita." Hinila niya ang dulo ng buhok ko para iharap ako sa kaniya.


Wala akong nagawa kung hindi ang mapatingala dahil hinila niya ang dulo nito. Masakit iyon pero hindi ako dumaing. Nakagat ko na lang ang labi ko para pigilin ang sarili.


"Ngayon na wala iyang magaling mong kaibigan, anong magagawa mo ngayon?" Halos magasgas sa isa't-isa ang mga ngipin niya habang humihigpit ang hila sa buhok ko.


"Ilang araw kaming nagtimpi sayo!"


IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now