Plans
~~~🌸~~~
Tumupad sa naging usapan namin si Kian. After he got enough rest, umalis din ito at bumalik ng Manila. It's been months now. Hindi na siya muli bumalik but he never failed to message or call me every single day. Minsan hindi ko na pinapansin ang mga messages niya pero alam ko na hindi ko iyon pwedeng gawin ng buong araw dahil siguro ako na bigla na lang itong susulpot dito kung iignorahin ko buong araw ang mga messages niya.
Though, hindi na rin ako nagrereklamo minsan. Siguro ay nasanay na rin. But I know that because of that day when he came here. Because of what happened, pakiramdam ko ay mas lalo pang lumalim ang koneksyon naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon namin. Kian confessed that day, but I was not able to give him any answers. I was speechless the whole time kahit pagkatapos ng mga nangyari kaya hanggang ngayon, nangangapa pa rin ako. Hindi ko alam at hindi malinaw sa akin. But that is not my priority for now.
Hindi ko pa rin sinasabi kina Uno ang mga nalalaman ko rito. I am also looking for perfect timing and wondering if it is okay to tell him. Hindi ko pwedeng hindi ito pag-isipan ng maayos. I know Uno will not hurt Eya, that is for sure. Kahit na hindi iyon ang sinasabi at pinapakita niya sa amin, sigurado ako. Pero si Vladimir at ang ilan sa miyembro ng Underground, I am sure that they will not take this lightly.
Alam ko na seryoso si Vlad sa paghahanap kay Eya and he is seeing her as a traitor and a big enemy for us. Kung si Eya at mga kaibigan niya lang, I am not seeing any problem. Dahil kahit na napalapit na ako rito, I still know what our mission is. But there are children involved. This world is not for them. Hindi ko gusto na madamay sila sa gulong hindi naman para sa kanila.
I am sure that somehow Eya's friend was helping here hide the twins, but I also want to make sure na hindi madadamay ang mga ito.
Lalo na ngayon, two months had passed. pero walang araw na wala akong nakitang miyembro ng ilang kilalang grupo sa lugar. I even saw members of Tenebris. But I never encountered one directly. Sa tuwing may makikita ako na umaaligid kina Eya, hindi rin nagtatagal ang mga ito. Bigla na lang mawawala at hindi ko na makikita. Kaya nagdesisyon ako na subukang magbantay.
It's late at night. Lumalalim na ang gabi at tahimik na rin ang paligid when I decided to go to Eya's place. I'll try to survey the whole place tonight. I also want to resolve all those puzzles I had before when, suddenly, I saw movements sa gitna ng kakahuyan.
May mga anino. Sigurado ako na hindi lang isa, hindi dalawa kaya maingat akong nagmanman. Madalas ko itong gawin at doon ko napansin na sa pagdaan ng mga araw, para bang mas dumarami ang nagiging bisita ng islang ito. Mas dumarami ang nakikita kong bisitang hindi imbitado kaya nagdesisyon akong sabihin na ito kay Uno.
Sigurado ako, na kung wala akong gagawin, manganganib ang buhay nina Eya at ng mga kasama niya. The worst is, baka pati ang mga anak nila, madamay. If Uno finds it, I know that he can come up with something to protect them. Siguro masyado na rin akong nag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Vladimir. Vlad was truly scary, pero hindi ko rin dapat kalimutan na mas nakakatakot si Uno. Baka kapag pinatagal ko pa, pati ako madamay sa galit niya.
I decided to tell him about this, about Eya and her friends. I will not tell him about the twins yet. Ayoko na biglain din siya dahil mukhang hindi niya rin ito alam. I want him to see it with his own eyes. But tonight, I will make sure that things will work smoothly.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomantikMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...