Kabanata 32

74 4 1
                                    

See you again


~~~🌸~~~


"M-Malia?"


I can't hide the surprise in my face. Sa lahat ng lugar at pagkakataon, hindi ko inaasahan na dito ko pa makikita si Olivia kaya dahil sa sobrang gulat, hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanatili akong nakatitig dito at ganun din ito sa akin. Nanlalaki ang mga mata at laglag ang panga.


Sinundan ko ito nang tingin at nakita ko kung paano magpalipat-lipat sa amin ni Kian ang kaniyang mga mata pagkatapos ay bumaba ang tingin sa kamay ni Kian na nasa aking bewang. Hindi ko alam kung ano ba ang plano sa amin ng tadhana pero hindi ito ang panahon at pagkakataon na hiniling kong makita ito.


I never plan to see her anyway. Kahit kailan ay hindi sumagi sa plano ko ang pagtagpuin ang mga landas namin kaya mahina akong tumikhim. Inalis ko ang kamay ni Kian sa aking bewang at saka ito nilingon habang nakataas ang isang kilay.


"Tell your men to give me back my keys. I need to go back to my place." Muli kong nilingon si Olivia. Hindi pa rin nito halos maisara ang bibig sa gulat kaya kay Kian ako muling bumaling.


But Kian remains staring at me. Parang walang narinig at hindi kumibo pagkatapos ng sinabi ko kaya bumuntong hininga ako.


"Vladimir needs me." Iyon lang ang sinabi ko pero agad na umigting ang panga nito. Pero hindi ko iyon pinansin, nilingon ko muli si Olivia at ito naman ang binalingan.


"Pasok ka. Dito na kayo mag-usap sa loob." Tuluyan kong inalis ang kamay ni Kian sa bewang ko at saka ako bumalik sa sala. Ipinatong ko ang cellphone ko kanina sa mesa kaya binalikan ko iyon. Pero nagulat at napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Kian.


"What is it, Olivia? Pasensya na but I'm a little bit busy right now. Can we talk later?"


Talk later?


Tsk! Akala ko ba walang namamagitan sa kanilang dalawa? Then what is she doing here? And how the hell does she know his place? Really? Of all places hanggang dito?


Mali talaga na sumama pa ako rito. I should head back now. Bakit pa ba kasi ako sumama kay Kian dito?


Nahilot ko ang sentido. This is a damn headache! Pero nagulat ako nang maramdaman ko muli ang mainit na kamay ni Kian sa aking bewang. Nilingon ko ito at awtomatikong napataas ang isang kilay.


What does he want again?


"My men are on their way. We can eat first, and then we can head back to Manila."


Bakit? Sasama siya? Then how about Olivia?


Tumingin ako kay Olivia at nakita itong nakatingin sa amin nang nalilito. Nararamdaman ko na marami itong gustong sabihin at itanong pero sa halip, ayon at nanatili lang na nakanganga.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now