Kabanata 27

90 4 0
                                    

Shadow


~~~🌸~~~


"What the hell! Ang sakit ang ulo ko!"


I was spreading butter on my toast nang makita ko si Sahara na palabas ng kaniyang kwarto habang hinihilot ang sentido. Tumingin ako sa wallclock mula sa gilid at nakitang alas-nuebe na ng umaga and she just woke up.


"Amore?" She looked at me, confused.


"Andyan ka na pala. Paano tayo nakauwi kagabi?" She walked directly to the counter to brew a coffee.


"What do you mean, how did we get home? Huwag mong sabihin na wala kang naaalala kagabi?"


"Ang sakit ng ulo ko. I do remember some things, but that was when we were still at the bar. Hindi ko na maalala ang mga sumunod. Tulad nang kung paano tayo nakauwi."


So hindi nga niya naaalala? Hindi niya naaalala ang mga pinaggagawa niya kagabi?


"Oh, God! Nahihilo ako!" She massaged her head desperately.


"Ikaw ba ang nagmaneho? Sorry, hindi kasi natin madalas gawin iyon sa Italy o Spain kaya sinulit ko lang. Isa pa, namiss ko rin ang mga kasama natin kagabi."


She sat beside me pero hindi pa rin matigil sa pag-ikot ang mga mata ko. Handa na ako. Hindi ko rin plano na magtagal pa dahil huli na ako sa usapan namin nina Uno sa araw na ito. Isa pa, Sahara doesn't remember what happened, so I don't see any reason to confront her today.


Siguro pagbalik ko mamaya at naalala na niya ang mga pinaggagawa niya kagabi, doon kami mag-uusap.


"I want you to remember what happened last night. Pagbalik ko, mag-uusap tayo."


"W-wait!" Nauutal niyang sabi at saka nag-aalangang bumaling sa akin. Sahara looked confused at may kasama ring takot sa mga mata niya nang tumingin sa akin.


Tumaas naman ang isa sa mga kilay ko. Bakit ba? Anong akala niya palalampasin ko ang lahat ng kalokohan niya kagabi? No!


"W-what? Bakit, may ginawa ba ako?D-don't tell me, I messed up?"


Hindi na ako sumagot. I just rolled my again again at saka ko kinuha ang susi ng kaniyang kotse.


"I'll borrow your car. Bayad sa mga ginawa mo kagabi!" Kinuha ko na rin ang purse ko at saka tumalikod pero agad niya akong hinabol. Pero naging mabilis ang mga hakbang ko samantalang nahuli naman siya. Siguro ay naguguluhan pa rin dahil sa mga sinabi ko.


"Sandali! Amore!—


Mabilis akong lumabas ng pinto at pabagsak iyong isinara para hindi na siya humabol. I'm just acting like I'm mad or something para hindi na siya komontra. Pero habang palapit sa elevator ay hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now