Special Guest
~~~🌸~~~
Umiwas ako ng tingin. What's the purpose of telling him by the way? Para saan at bakit pa? Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Iyon ay ang itigil na niya ito kung totoo man ang sinabi ni Olivia.
I don't want to overthink myself, but compared to Olivia, sino nga ba naman ako? Isa pa ay hindi ko na talaga alam kung sino ang paniniwalaan. Litong-lito na ako at hindi ko na alam kung sino ba ang nagsasabi sa kanila ng totoo. I don't want to admit it to myself, but it was too obvious. I am so affected by Kian's words and actions. Ayoko mang aminin, but I think I am starting to feel something deeper that I can't even explain. Ang mga salita, galaw, mga sinasabi at ipinapakita at ipinaparamdam niya sa aking pag-aalala. Lahat ng iyon ay hindi ko maipaliwanag.
Kaya naman masyado akong nasaktan sa mga nalaman ko kay Olivia. Just thinking that the meaning of Kian's words and actions is different from what I want and expect hurts me so much.
Nakagat ko ang labi ko para pigilin ang mga bagong luha. Hindi ko rin magawang umiwas ng tingin dahil halos ayaw na niyang pakawalan ang mga mata ko. Pero pilit kong iniwasan ang mga titig niya kahit na mahirap dahil para iyong magnet na hinihila ako pabalik.
"Sabihin mo sa akin, sinong nagsabi sayo ng mga 'yan at saan mo 'yan nakuha? I want to understand you, Malia. Mababaliw ako sa mga sinasabi mo."
His words. His damn words. Sa konting lambing lang ng boses niya, nadadala na naman ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nararamdaman ko sa kaniya, o dahil talagang wala pa akong alam sa mga ganitong bagay kaya madali akong makuha ng mga salita niya. Am I really too young for this to even understand the true meaning behind his words? I don't know. I really don't know.
"K-kung hindi iyon totoo, anong ibig sabihin nito?" Hindi ko masagot ang mga tanong niya kaya binigyan ko na lang din siya ng panibagong tanong tanong.
Halos magkadikit ang mga kilay ni Kian sa kaguluhan. I want him to explain things to me pero bakit tila pati siya'y gulong-gulo? Ganun ba kagulo ang sagot sa mga tanong ko na ito? Hindi niya masagot ng ganun kadali dahil kahit siya ay hindi niya alam? Ganun ba iyon?
"S-see? You can't even answer. You can't even tell me what is the meaning of this—
"Hindi ko alam kung manhid ka o bingi, Malia. Pero ilang beses ko ng sinabi sayo. Gusto kita. Gusto kita, Malia. At kaya ko ginagawa ang mga ito ay dahil gusto kita. Isn't it normal for me to do this to prove to you that I like you? I want to show you how I feel. Not just by words but also through my actions. Wala akong ibang ibig sabihin sa mga ginagawa ko." Kinuha niya ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa aking hita.
"The things you just said really hurt me." Nakatingin siya sa mga kamay naming magkahawak.
"Damn! I never did this before kaya hindi ko alam kung tama o may mali ba sa mga ginagawa ko kaya mo 'yan nasasabi. Iniisip ko rin na baka may nagawa ako para ganyan ang maramdaman mo. But believe me, all I want is to prove to you my intentions, and those are pure. Malia." Tiningnan niya ako ng diretso.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
Storie d'amoreMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...