Wedding
~~~🌸~~~
"You should rest. Hayaan mo na si Attorney na mag asikaso ng lahat. Hindi mo na kailangang bumalik pa roon."
"I know. I just wanna see them one last time. Isa pa gusto ko na ako mismo ang magpaalis sa kanila sa bahay ng mga magulang ko." Pinagbuksan ako ng pinto ni Kian.
Wala naman akong masyadong ginawa pero para bang naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa paghaharap namin muli nina Auntie. Dapat siguro ay nakinig na lang ako kanina kay Kian. Hindi na dapat ako pumunta pa rito. This is so draining!
Tumingin ako kay Kian and then I smiled.
"Thank you." Sabi ko rito. I may act like a tough girl, but I admit, malaking tulong si Kian. Pakiramdam ko mabilis maubos ng lakas ko pero dahil nandyan siya may katulong ako.
Inayos ni Kian ang ilang hibla ng buhok ko na dinadala ng hangin at saka inilagay sa likod ng tainga ko. He caressed my cheek and smiled sweetly.
"You are always welcome. I will always be here to support you. Just tell me if you need anything." Pabiro niyang pinisil ang tungkil ng ilong ko kaya mahina akong natawa.
"Anything?" I asked while pouting my lips.
Natawa siya sa reaksyon ko.
"Yes, anything. May kailangan o gusto ka pa ba? You can tell me."
Umakto akong nag-iisip. Ano pa nga ba ang gusto ko? Pero bago pa ako makasagot, narinig ko ang boses ni Maya, ang pinsan ko. Nilingon ko ito at nakita siyang tumatakbo palapit sa amin habang tinatawag ang pangalan ko.
"Malia! Malia!" Hindi ko siya inaasahan kaya nagulat ako nang makita itong patakbong lumapit sa amin.
"Maya, what's wrong—
Akala ko narito siya para kausapin ako pero nagulat na lang ako nang bigla na lang nitong hilahin ang buhok ko. Sa gulat ko ay hindi ako kaagad nakaiwas. Mabuti na lang at agad na nahawakan ni Kian ang kamay nito.
"Maya! Stop it!" Naalis niya ang kamay ni Maya at saka ito itinulak. Hindi ko siya masisisi. Bigla na lang naging bayolente si Maya kaya agad itong nawalan ng tamang balanse nang itulak ni Kian.
Napaupo siya sa damuhan. She tried to stand again. Sinubukan niyang sumugod ulit, pero nakalapit na ang mga bodyguard na dala ni Kian. Dalawang lalaki ang agad na humawak sa magkabilang braso ni Maya at hinila ito palayo habang itinatago naman ako ni Kian sa kaniyang likuran.
"Miss Chavez, what is this?" Kahit si Attorney Morillo ay mabilis na lumapit sa gawi namin. Galit itong tumingin kay Maya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi mo ba alam na pwede ka naming kasuhan?"
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...