Changes
~~~🌸~~~
"Malia? Hey!"
Sa sobrang ukopado ng utak ko ay hindi ko na halos maintindihan si Eli. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, tinatanaw ang ilang sasakyan at ilaw sa matataas na gusali sa labas.
"Malia!" Muling tawag ni Eli kaya doon na ako napalingon.
"Are you okay? Kung pagod ka na at hindi mo na talaga kaya I'll talk to them. Pwede kitang ihatid na sa condo niyo ni Sahara."
Agad akong umiling. Well, that is a very good offer pero hindi ko gusto na gumawa pa ng eksena. It was an order from the Kim Brothers. I don't have the right to refuse.
Isa pa, hindi ko na nga alam kung paano pa pagtatakpan ang mga biglaang pangyayari ngayong gabi. Ang tagal kong nagtago. Sa loob ng halos anim na taon, pakiramdam ko nasira ang lahat sa gabing ito. At kung iiwas ako anong mapapala ko?
Hindi ko pa alam kung ano ang tamang gawin. Pero sa ngayon, hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ang trabaho ko. I am here for a mission, not for someone.
"Salamat pero okay lang ako, Eli. Hindi naman siguro tayo roon magtatagal. I'll go home after the meeting."
"Are you sure?" Hindi siya pabor sa sinabi ko pero alam naman naming hindi ako basta-basta pwedeng tumanggi.
At isa pa Ryle is right. This was originally our mission kaya kailangan na naroon din ako.
"Fine. Hindi na rin naman natin kailangang magtagal doon. Ibinigay ko na kay Eros lahat ng file related to Jared Mori. Mamaya kahit sila na lang ang bahala. I also need to ask them about the other mission we have to Italy."
It caught my attention kaya mabilis akong napalingon sa gawi niya.
"Yeah, I remember that. Bakit may problema ba?"
"Well, wala naman. But there are changes base sa narinig ko."
"Changes? What changes? Hindi ba at ang usapan ay tatapusin muna natin ang misyon doon?"
"Maybe you should ask them later. Hindi ko pa alam ang buong detalye."
Wala ng sinabi ni Eli maliban doon pero naaamoy ko na ang hindi magandang balita. Ngayon pa lang ay hindi ko na maipaliwanag ang galit.
"Don't tell me it has something to do with the invitation I received again from Mr. Kim?" Kahit hindi niya sabihin ay malakas ang kutob ko na iyon 'yon. Kaya nang hindi siya sumagot ay agad na umigting ang panga ko sa inis.
"Damn it! We've already worked hard for it! We are actually almost done with that mission. Kung hindi lang nangyari iyong engkwentro kay Mr. Kim at Jared Mori."
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...