Desires
~~~🌸~~~
"Kian?" Tumingin ako sa likuran niya. I was thinking that someone from Underground would also be here other than him pero wala akong nakita kaya muli akong tumingin dito. Confused and asking for the possible reason why he's here.
"W-what are you doing here?" Itinulak ko siya palayo pero muntik na akong mawala sa tamang balanse. Muntik na akong matumba muli, mabuti na lang at naagapan niya ako.
Kian hold my waist. Nagulat pa ako noong una pero muli kong naramdaman ang pag-ikot ng paningin ko kaya hindi ako kaagad nakalayo. Nang muli kong mabawi ang sarili, doon ko na siya itinulak.
Napatingin din ako sa paligid, thinking that he may be with someone pero wala akong nakitang ibang pamilyar na mukha maliban sa kaniya. At sa halip, ilan sa nasa paligid ang nakita kong nakatingin sa aming dalawa. Particularly kay Kian.
"I just came here to see you. Hindi ka sumasagot sa mga messages ko mula pa kagabi so I asked Vladimir at ito ang sinabi niya sa akin."
Muli kong nahilot ang sentido. Kanina alam ko na dahil sa pagod sa byahe ang sakit ng ulo ko pero dahil sa kaniya, mukhang hindi na lang ito dahil sa pagod. His presence was more than enough to give me a headache.
"Damn it! You're kidding!" Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. At kahit na imposible, naghintay pa rin ako na sabihin niya na nagbibiro lang ito but when he looked at me with his serious eyes, naiiling ko na lang na hinilot muli ang sentido.
"I can't believe you!" Iniwan ko ito roon.
Hindi ganun kalayo ang hotel kung saan ako tumutuloy at kaya naman lakarin kaya hindi ako nahirapan. Hindi ko na rin siya nilingon kahit na nakikita ko itong nakasunod. Pero pagdating sa front desk ng hotel, nahagip siya nang paningin ko. I caught him talking with one of the women at the front desk kaya hindi ito kaagad nakasunod. And not as if I am willing to wait for him!
Tumungo ako papasok sa elevator at saka pinindot ang fifth floor, ang huling palapag ng building. I went to my room. I didn't even think about contacting Uno or Vladimir dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi na ako nasusuka pero nahihilo pa rin ako. And I feel like I was so tired. I feel like my whole body was so heavy, and I feel so hungry! God damn it! Hindi pa natatagalan noong kumain ako kanina pero para bang wala ng laman ang tiyan ko.
Pagkapasok ko sa kwarto, sumalampak ako kaagad padapa sa kama pero hindi ako mapakali dahil sa pagkulo ng tiyan ko. What I ate earlier was, I think, enough for me to survive for this whole day. Dahil sa pagod kanina, medyo marami akong nakain so I was really surprised to feel like my stomach was empty. And I am not a heavy eater, as far as I remember.
But I can't just ignore my hunger. Pwede kaya akong magpadala ng pagkain dito sa kwarto? Hindi ko nga pala natanong kanina pero sa tingin ko they don't offer that here. Siguro sa baba na lang ako ulit kakain.
Umupo ako sa kama at pinakiramdaman ang sarili. Dahil sa gutom ay nakalimutan ko na ang ilang bagay sa paligid. Even the fact that Eya was here. Ni hindi na ako nakapag isip ng maayos o ang makapag plano ng mga susunod na gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/331723761-288-k476380.jpg)
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...