WAKAS

152 7 2
                                    

Kian Nakoa Kim and Maliasandra Amore La-Rocca were about to say goodbye. Thank you for joining their story until the end! Maraming Salamat po sa mga nag-stay hanggang sa huling chapter. The story has a lot of flaws, but thank you! Salamat sa pagbabasa at pag-unawa. Hanggang sa muli! I hope you will still join me until the next story. ~ 💕


~~🌸~~~


Until the end


~~🌸~~~


"Is that Olivia again?"


Tumingin ako sa itinuro ni Hoshi matapos kunin ang ibinigay nitong sigarilyo. Kinuha ko ito at sinindihan. Kaagad na sumama sa hangin ang usok mula sa dulo nito. I placed it between my fingers at saka ibinuga ang usok habang nanliliit ang mga matang tumingin sa sinasabi niya. It was a group of girls who were busy bullying someone again. I sighed after I saw what they were doing.


"Who's the student council president? Hindi ba at at dapat pinagsasabihan ang mga 'yan?" Ani Vlad habang pinapanood din ang mga ito.


Pinagmasdan ko lang ang mga ito. Hindi ko makita ang mukha nang pinagtutulungan nila dahil pinaliligiran nila ito.


Wala rin naman akong pakialam kaya hindi na ako nakisali. Hindi lang din ito ang grupong kilala ko na madalas na gawin ang ganun. I have my own things and business to think of kaya hindi ako nakikialam.


I checked my phone, I was also waiting for coach's message. Ang sabi nila ay may practice ngayong araw. And when my phone beeped, I saw my teammates' name.


Tumingin ako sa mga kasama ko, itinapon ko sa sahig ang sigarilyong hawak at saka ito inapakan para patayin ang sindi.


"Mauuna na ako. May practice pa kami." Nagpaalam ako sa mga ito. Vlad was also part of the team pero hindi ko alam kung ano na naman ang idinahilan niya kay coach. Pero ang sabi ay hindi siya makakapag practice ngayon ganun din si Hoshi kaya mag-isa akong umalis.


Sa hindi kalayuan, nakita ko muli ang grupo nila Olivia. She's the daughter of my father's friend kaya kilala ko ito.


Sa gitna nila, nakita ko ang babaeng kanina pa nila pinagtutulungan. Her things were scattered around. Her books, her bag, and even her eyeglasses Nakita ko pa kung paano ito gumapang habang maingat na kinakapa ang salamin nang medyo tumilapon ito at mapalayo.


Nang makuha ang salamin, nanginging ang mga kamay niya itong muling isinuot. At nang iangat ang mukha'y saktong napaharap ito sa akin. Ang asul na mga mata niya sa likod ng makapal na salamin ang unang tumambad sa akin. Her hair was a bit messy, ganun din ang kwelyo ng uniform nito.


She wiped her cheeks at saka muling inayos ang suot na salamin bago mabilis na umiwas ng tingin at saka agad na pinulot isa-isa ang mga gamit. Hindi ko napansin na natigilan na pala ako. Matapos makabalik sa ulirat ay lumiko na ako papunta sa gym.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now