Blackmail
~~~🌸~~~
Pinapakiramdaman ko ang paligid. For some reason, masasabi ko na tahimik at effective nga ang ginawa kahapon ni Kian. Buong araw ay walang nanggulo sa akin. Kahit na ang grupo nila Olivia, hindi lumapit sa akin. At sa halip, sila pa ang lumalayo sa tuwing makikita o mapapalapit ako sa kanila. Hindi lang sila dahil kahit ang ilang grupo na madalas na mang-asar o pagtripan ako, pati sila ay parang umiiwas na sa akin.
Kahit na nahihiwagaan at naninibago, isinantabi ko ang lahat ng iyon. Iniisip ko na lang na baka ganun talaga. Hahayaan ko na lang. Kinuha ko ang dalawang libro na isosoli ko ngayong araw. Nasa pinto pa lang ako ng library at halos hindi na ako makahinga sa kaba.
Kanina pa rin paulit-ulit sa utak ko ang mga idadahilan ko at sasabihin kay Mrs. Jimenez. Wala akong ibabayad sa ngayon, hindi ko rin alam kung papayag ba siya na bayaran ko ng hulugan ang mga librong ito. Hindi ko alam kung aabot ng ilang taon o baka nga graduate na ako rito ng junior high ay hindi ko pa ito fully paid. Pero kung kailangan ng kasulatan, ako mismo ang gagawa. Kung mangangako ako na magbabayad baka sakaling pumayag naman sila, hindi ba?
Bago ako humakbang papasok, humugot ako ng isang malalim na hininga. Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa pwesto Mrs. Jimenez.
"Oh, Malia! Magandang umaga." Bati niya ng makita ako. Hindi ako makabati kaagad pabalik. Nanginginig kahit ang mga labi ko kaya nakagat ko iyon.
Nakita ko siyang tumingin sa mga librong hawak ko bago niya inayos ang suot na salamin.
"Hindi ba iyan 'yong mga libro na hiniram mo kahapon?"
"H-huh, a-ah opo." Tumingin ako sa mga hawak ko.
"I-ibabalik ko na po sana pero kung pwede po—
"Ibabalik? Akala ko ba ay sayo na ang mga 'yan? Hindi ba at binayaran mo na?"
"P-po? Binayaran?" Naguguluhan kong tanong.
"Oo. Iyon ang nakalagay rito." Ipinakita niya sa akin ang log book na madalas niyang kaharap.
"Mabuti na lang at isa 'yan sa mga iniingatang libro rito kaya maayos pa."
Binasa ko ang nakasulat sa ipinakita niya at tama nga siya dahil nakapangalan na sa akin ang librong ito. Nakalagay rito na bayad ko na itong dalawa. Pero sino ang nagbayad?
Hindi ako iyon at baka nagkamali lang sila. Hindi kaya ay nagkamali lang ng pangalan na inilagay? I don't want to take advantage of it kaya umiling ako at muling humarap kay Mrs. Jimenez.
"Uhm, ma'am!" Tawag ko rito. Ipinatong ko ang dalawang makapal na libro sa mesa sa harapan niya.
"S-sa tingin ko po ay nagkakamali—
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
Roman d'amourMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...