Kabanata 12

66 2 0
                                    

Intentions 


~~~🌸~~~


"I don't know, ha. Pero kailan kaya titigil si Kian sa paglalaro niya?"


Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa mesa dahil tapos na ang klase. Uwian na rin at wala na akong gagawin kaya siguro ay didiretso na lang ako sa pag-uwi. Pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga bulungan ng ilan sa kaklase ko na nagtipon-tipon sa hindi kalayuan.


Hindi ko sila sinusulyapan pero may iba akong pakiramdam sa pinag-uusapan nila lalo na at naririnig ko ang boses ni Olivia at ilan sa mga kaibigan niya mula sa grupong iyon.


"We will see. Siguro kapag napagod na si Kian, he'll drop her like trash anyway." Narinig kong sabi ni Olivia na agad sinundan ng malakas na tawanan ng grupo nila.


This is the second time they mentioned Kian's name. I don't want to assume things, but I have a bad feeling about this. Kaya minadali ko na ang ginagawa. Halos hindi na organize ang mga gamit na inilagay ko sa loob ng bag.


"You think so, Olivia? Aba dapat lang. Ang balita ko kayong dalawa ang may balak na ipagkasundo ng pamilya niyo diba? Kaya nga nagulat ang buong school sa biglang pagsulpot ng iba dyan."


Mabilis akong tumayo. Hindi na nagkasya ang ilang gamit sa loob ng bag ko lalo na at may mga bagong libro akong hiniram sa library kaninang umaga. Tatlo iyon kaya hindi na kakayanin pa sa loob ng bag. At hindi nga ako nagkamali. Malapit sa pinto, nakita ko sina Olivia kasama ng mga kaibigan niya na madalas niyang kasama.


Sandali akong natigilan. Ilang hingang malalim pa ang pinakawalan ko bago ako muling humakbang. Yumuko rin ako para hindi na sila matingnan pa.


Pero hindi nga talaga nila ako hahayaang makaalis ng walang kahirap-hirap. Dahil bago ko pa marating ang pinto ay iniharang na ni Olivia ang kaniyang binti sa aking harapan. Nakaupo siya sa mesa habang ang kaniyang mahabang binti ay nasa harapan ko. Inihaharang para hindi ako makadaan.


Wala akong nagawa. Dahan-dahan kong inangat ang tingin para makita siya. Nang magtama ang mga tingin naming dalawa, ay doon siya ngumiti. But I can clearly see the sarcasm behind those smiles.


"Uuwi ka na?" She asked.


Alam ko na hindi ito isang simpleng tanong, of course. Kailan niya ba ako tinanong ng seryoso at walang halong pang-iinsulto at pang-aasar. Pero dahil ako na lang ang umiiwas sa gulo, marahan akong tumango. At doon lalong lumawak ang kaniyang mga ngiti.


"Maglalakad ka lang ba, katulad ng dati? O," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.


"O, sasabay ka ulit sa sasakyan ni Kian?"


"Ano bang klaseng tanong 'yan, Olivia? Syempre kung makakalibre nga naman siya pauwi, malamang sasabay na 'yan kay Kian. Bukod sa hindi na siya mapapagod maglakad, komportable pa, hindi ba?"

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now