Someone else
~~~🌸~~~
Dapat ay sanay na ako. Hindi na bago sa akin ang ganito. Noon paman ay ganito na talaga ang pakikitungo sa akin ni Auntie, pati na ng anak niyang si Maya. Pero kahit na ganun, may parte pa rin sa akin na umaasa na sana, sana maging maayos kami. After all, she's my mom's sister. Older sister kaya umaasa ako na magiging maayos ang pakikitungo niya sa akin pero mukhang wala na talaga ata akong magagawa.
Hindi ko rin alam kung saan ba nagmumula ang mga galit ni Auntie. I am doing my best para matanggap niya. Lahat ng gusto niya, sinusunod ko. Kahit na minsan ay hindi na pabor sa akin, lahat ng iyon ay ginagawa ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi na talaga ata niya ako matatanggap. Ganun din ng pamilya niya.
"Ouch." Napadaing ako ng hindi sinasadya ay napadiin ang dampi ko ng cold compress sa mga pasa ko sa braso. Hindi ko namalayan at alas-dies na pala ng gabi. Hindi pa rin kumakalma ang mga pasa ko sa braso na gawa ng ilan sa mga hampas ni Auntie kanina. Sana lang ay hindi na lumala pa.
Hindi ko rin alam kung makakatulog pa ba ako ng maayos ngayong gabi dahil hindi mawala sa pagkirot ang braso pati na ang tiyan ko na nasipa ni Auntie kanina. Pati na ang tagiliran ko na tumama sa railings ng hagdan kanina.
Mabuti na lang talaga at kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko habang kausap si Kian. Nang tumunog muli ang cellphone ko'y dali-dali ko itong tiningnan. There were two messages. The first one was from Kian, and the other one was an unregistered number. Una kong binuksan ay iyong message ni Kian.
Kian:
Maya-maya uuwi na rin kami. Vladimir's already drunk.
Nangiti ako matapos basahin ang kaniyang sinabi. Simula pa kanina'y updated na ako sa mga nangyayari sa celebration party na sinasabi nila. Pero bago ako nagtipa ng isasagot kay Kian ay binuksan ko muna ang isa pang message na galing sa hindi ko kilalang number.
Unknown number:
Hi, Malia! This is Valerie. Nakita ko na ka-text ka ni kuya Kian kaya hiningi ko sa kaniya ang number mo. I hope you don't mind. Save my number, please. I'll be your spy on Kuya Kian's whereabouts. Ako magsasabi sayo kapag may kasama silang babae.
Mahina akong natawa bago sinave ang number niya at nagtipa ng reply.
Ako:
Hello, Valerie. Hindi na kailangan. But thank you! Enjoy kayo dyan.
Pagkasend ko noon ay kay Kian naman ako nag-reply.
Ako:
Mag-ingat kayo. Magda-drive ka ba pauwi?
Naalala ko ang sinabi niya kanina. Sa bahay noong Hoshi sila magce-celebrate. Hindi ko alam kung malayo ba iyon sa kanila pero kung oo, paano siya uuwi? May dala siyang sasakyan. Sabi niya rin ay lasing na si Vladimir kaya malamang umiinom sila. Paano kung lasing na rin siya? Paano siya magda-drive?
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...