Past
~~~🌸~~~
"Malia! Malia, sandali!"
Lumingon ako nang marinig ko ang tawag ni Kian. He was running toward me. Hindi ko siya napansing sumunod kaninab kaya nagulat ako. Pero nang makita ko ang bilis at laki ng mga hakbang nito, mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako kung saan nakapark ang sasakyan ko.
Hindi ko na siya nilingon. I don't see the reason why I should in the first place. Hindi ko rin alam kung bakit pa siya sumunod.
Mabilis ang mga naging kilos ko hanggang sa tuluyan kong naiwan si Kian. I do not want to make things complicated so the best way to make things work is to avoid conflicts.
Mabilis kong inistart ang sasakyan at walang pagdadalawang isip na pinatakbo ito. Hindi ko nga lang alam kung nakasunod pa ba si Kian dahil hindi ko na ito nilingon. Nanatiling nakapako sa unahan ang mga mata ko habang tinatahak ang kahabaan ng driveway patungong main gate.
Siguro ay kakausapin ko na lang mamaya si Vladimir. Everytime I went here, I always see Kian. At sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin, walang magandang nangyayari kaya mas mabuti pa talaga ang umiwas na lang.
Mas binilisan ko pa ang sasakyan. Medyo malayo ang main gate at mahaba ang driveway. Nagkalat din ang maraming Underground Reapers sa paligid. Hindi katulad kahapon, parang domoble ang bilang ng mga ito. And to my surprise, I saw a familiar black car beside me. Nakababa ang salamin ng bintana nito kaya nang dumaan at nilagpasan nito ang sasakyan ko ay nakita ko kung sino ang nasa loob at nagmamaneho.
"Trevor?"
Mukhang umaayon sa akin ang mga bagay. Wala sa sarili akong napangiti habang sinusundan ng tingin ang kaniyang sasakyan. Now is my chance.
I step on the gas, but I keep my distance. Susundan ko siya. Hindi pa rin ako mapakali sa kakaiba kong nararamdaman sa kaniya at sa mga kaibigan nito kaya wala naman sigurong masama kung susundan ko siya ngayon. Malay mo, kung wala akong makukuha baka tuluyan nang mawala itong kakaiba kong nararamdaman at mapanatag nang tuluyan ang mga iniisip ko.
Nauuna ang kaniyang sasakyan hanggang sa tuluyan itong makalabas ng malaking gate. Sinundan ko ito pero hindi ako masyadong lumapit. Pinanatili ko ang distansya namin para hindi ito makahalata. Sinundan ko siya and it lasted for almost half an hour. Mabuti na lang at hindi ganun katraffic. Kaya sa tuwing mawawala ito sa paningin ko, mabilis ko rin na nahahanap. Hanggang sa makita ko ang sasakyan niyang pumasok at huminto sa isang bus terminal.
Pinagmasdan ko ang lugar.
"What is he doing here?" Inihinto ko ang sasakyan habang pinagmamasdan ang paligid.
It is a bus terminal. A provincial bus terminal, to be exact.
At ano ang ginagawa niya rito?
Mabuti na lang at maraming tao. Nakita ko ang maraming pasahero na naghihintay kaya kahit bumaba ako ay hindi ako nito mapapansin. Pero para lalong makasiguro, humalo ako sa dagat ng tao para hindi mapansin.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomansaMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...
