Late
~~~🌸~~~
"Kailan ka babalik dito? I also want to talk to you in person." Tanong ni Vladimir mula sa kabilang linya.
Hindi ko maalis ang mga tingin sa lalaking ilang mesa lang ang pagitan mula sa aking pwesto. I am positive, he is one of Tenebris. Hindi ko pa sigurado kung sino ang kikitain niya rito pero sigurado ako, isa iyon sa kasama niya sa Tenebris.
"Amore, can you go home kahit ngayon lang? I really need to talk to you."
Umikot nang todo ang mga mata ko sa ere dahil sa sinabi niya. Simula noong gabing may nangyari sa amin ni Kian, hindi pa ako bumabalik ng Manila o ng Underground. I stayed in different places, but mostly here, in Rizal.
Napuntahan ko na rin ang lahat ng lugar na ibinigay sa akin ni Vladimir pero wala roon si Eya. Kaya ngayon, nang malaman ko na may isang miyembro ng Tenebris ang pakalat-kalat dito, hindi ko na ito tinantanan.
Hindi ko pa rin nakikita si Eda, o kahit ang nanay nito. Lahat ng ancestral house nila pinuntahan ko na rin pero walang bakas ng mga ito. Hindi ako sigurado kung nagtatago na ba sila sa Underground dahil ang balita ko rin ay pinahahanap na ni Uno ang lahat ng ito na kahit ang dating hideout nito ay hindi nila pinalagpas.
Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko with Vladimir's name on it.
"Whatever you want to tell me, you can tell me now, Vlad. Hindi ko na kailangang umuwi pa dyan." I am quite guilty. Aaminin ko, hindi ko pa kayang umuwi hindi dahil ayoko, iyon ay dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kian.
I fucked up! I totally messed up. Lahat ng bagay na pinaghandaan ko sa loob ng mahigit anim na taon, lahat ng iyon ay nasira dahil sa isang gabi. Isang gabi na tawag ng laman. Ngayon, hindi ako makabalik sa Underground dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katangahan kong ginawa.
"I need you here, Amore. It's been months. Pauwi na rin si Uno, ang sabi niya ay gusto ka niyang makausap."
Napahilot ako sa sentido. Isa pa iyon. Pabalik na nga rin pala si Uno. Kung si Vladimir pinalalagpas ang mga pagdadahilan ko at pagtangging umuwi, mukhang hindi iyon tatalab kay Uno. I need to go back.
I know, one way or another, maghaharap din kami ni Kian. Kaya mas mabuti rin siguro na ngayon pa lang harapin ko na ang katangahan kong ginawa. Running away from it will do no good.
Nasuklay ko ang buhok at saka isang buntong hininga ang isinagot kay Vlad sa kabilang linya.
"Fine..." Hindi ko na ata iyon kayang sundan pa.
"I'll be back after the things I need to finish here. Give me one week, and I'll—
I suddenly stop when a man sits on the chair in front of me. Nagulat ako, pero halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ito.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
عاطفيةMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...