Girlfriend
~~~🌸~~~
"Until what time is your class?"
Hindi na ako nakapagsalita. Habang naglalakad kami ay halos nakatulala na lang ako at parang robot na hindi makagalaw. Kaya nang magsalita siya'y napaigtad pa ako sa gulat. Nilingon si Kian at naabutan itong nakatingin sa akin habang nakangiti.
"H-ha?" My mind was already flying in the air. Hindi ko na alam kung saan na nakarating ang utak ko kaya hindi na pumasok sa akin ang sinasabi niya.
Wala sa sarili ko itong nilingon. I heard him chuckle na lalo kong ikinahiya. Napansin na ata niya na lumulutang ang isip ko at hindi nakikinig.
"I am asking, until what time is your class today?"
Napakurap-kurap ako habang nakatingin at sinasalubong ang kaniyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung paano kami naging ganito kalapit sa isa't-isa. Parang kailan lang noong halos nasa magkaiba pa kaming mundo. Kailan lang hindi niya ako napapansin. Kahit na dumaan ako ng ilang ulit sa kaniyang harapan ay hindi niya ako sinusulyapan. Pero ngayon? Bigla na lang kaming naging ganito kalapit. Sa isang iglap ay napansin niya ako, sa isang kisap-mata ay tila nakaapak kami sa iisang mundo.
Hindi ko pa rin maisip hanggang sa ngayon kung mabuti o masama ba ito. Simula nang maging ganito kami kalapit, maraming nagbago sa akin. May ilang bagay na maganda, pero hindi ko alam para sa ibang parte. Wala na masyadong nang-bu-bully sa akin. Hindi ko alam kung maganda ba iyon pero pakiramdam ko mas maraming naging galit sa akin nang palihim. Hindi man nila sinasabi sa akin ng harapan katulad noon, nararamdaman ko naman. At ang pinsan ko, si Maya. Habang tumatagal ay pakiramdam ko lalo siyang nagagalit sa akin. Mas lalong nagkakaroon ng malaking pader sa pagitan naming dalawa. Hidni ko na tuloy alam kung paano pa kami magkakalapit.
"A-ah, hanggang 4 p.m ata? Sabi kasi sa amin kahapon cancel ang huling klase mamayang hapon." Sabi ko at saka umiwas ng tingin.
Hindi ko na siya nilingon pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nanginginig din ang kamay ko. Sana ay hindi niya iyon mapansin pero yong puso ko, pakiramdam ko anytime now maririnig na niya iyon. Halos hindi ko na makontrol. Sobrang lakas at bilis ng tibok.
"Can you wait for me? Sabay na sana tayo mamayang umuwi. Pero may practice kami hanggang 5 p.m."
Doon ko siya nilingon. Hindi ko kasi nakuha ang sinabi niya.
"Practice?"
"Yeah. Basketball practice. Ayos lang ba?" Tumingin siya sa akin nang nakangiti.
Sa hindi ko malamang dahilan ay para akong na-hipnotismo ng mga mata niya. Huli na nang makita ko ang sarili na wala sa sariling tumatango bilang pagsang-ayon. Kaagad siyang nangiti dahil sa sagot ko.
"I-I can wait for you in the library." Pero agad ding napawi ang ngiti dahil sa sinabi ko.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...