Someone
~~~🌸~~~
"Fuck! I am sorry, Amore. Hindi ko alam na andyan ang isa sa kambal." Kahit si Sahara ay litong-lito sa kabilang linya.
Mabilis na nahuli ng mga tingin ko ang ilan sa CCTV na nasa gilid at alam ko na naroon at nanonood sila. Hindi ko nga lang alam kung nasaan ba si Eli dahil si Sahara lamang ang kanina ko pa naririnig sa likod ng earpiece ko.
Hindi ko rin maikakaila ang gulat at pagkabigla nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isa sa mga kapatid ni Kian. Pero kahit na gusto ko nang murahin si Sahara ay hindi ko magawa kaya pilit ko na lang kinalma ang sarili. Ginawa ko ang lahat para makaiwas sa mga tingin ng kapatid ni Kian.
"This is Eli's fault! That asshole! Ang sabi nya sa akin na-check niya ng mabuti lahat ng kasama ni Jared. But what the fuck was Ryle doing there?"
Ryle? So siya nga si Ryle, ang isa sa kambal? Hindi ko nasiguro kaagad kanina kung sino ba ito sa kambal dahil halos anim na taon na ang nakalipas at isa pa, hindi ko na rin tanda ang pagkakaiba nila ng kakambal niya na halos iisa ang mukha. All I know is that he looks familiar kaya agad akong natigilan ng pumasok ako ng pinto.
Pero dahil sa confirmation ni Sahara, doon ko ito nasiguro. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang ikalma ang sarili at magpanggap na hindi ito kilala kahit na halos tambulin na ang dibdib ko sa kaba. I even looked again, muli kong pinasadahan ng tingin ang lahat sa takot na baka pati siya ay narito. Nang masiguro ko na maliban kay Ryle, wala ng iba pang pamilyar sa mga ito, doon lamang ako nakahinga ng maluwag kahit papano.
Sumunod ako kay Jared nang igiya ako nito sa upuan sa gitna. Pagkaupo namin ay agad niya akong hinapit sa aking bewang at hindi na nawala ang mga hawak at haplos niya sa akin.
"What the fuck?" Bahagya akong nagulat ng marinig ko na ang boses ni Eli sa kabilang linya.
Alam ko na hindi sila magkasama ngayon ni Sahara pero malinaw ko siyang naririnig. We are all connected now.
"Fuck this! Get out of there, Amore! Leave that place, now! Ako na ang bahala. That man is crossing the line already!"
"What the fuck, Eli! Will you shut up?" Sigaw ni Sahara sa kabilang linya kaya pasimple kong nakagat ang mga labi.
Halos magpantig ang tainga ko sa lakas ng boses niya.
"Kumalma ka nga, Eli! Amore's playing her part smoothly. Huwag mong sirain ang mga plano."
"But doesn't it seem like that man is going too far? Look how he touched Amore—
"Because that is part of Amore's disguise, you asshole! Ano ba ang role ni Amore ngayong gabi? Her role now is an escort, not a mother-fucking Maria Clara in the middle of the club, you fucker!"
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
Roman d'amourMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...