Boyfriend
~~~🌸~~~
"You know what? Why don't we try? Malay mo ito na talaga ang tamang oras at pagkakataon, Amore?"
I removed my ear protection after I put my gun down. I hit the target; there are no misses. Kahit papano ay hindi pa naman pala ako kinakalawang sa larong ito.
"Malay mo talaga ito na ang tamang panahon. Napakatagal na rin noong mga nangyari. Sa tingin mo ba talaga hindi pa ito ang tamang panahon?"
Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Sahara. Muli kong nilagyan ng bala ang hawak kong baril matapos palitan ng isa sa crew ang target.
"Isa pa nakita mo ba kung paano umakto si Kian noong kasama niya tayo? Mukha naman siyang okay na eh. Malay mo naman wala na sa kaniya ang nakaraan niyo kaya baka pwede ka nang pumayag sa gusto nila. We can go back to the Philippines and—
Hindi ko na narinig ang kasunod ng mga sinasabi niya dahil ibinalik ko na sa aking tainga ang ear protection kong suot at saka muling pinaulanan ng bala ang target sa harapan.
Hindi ko alam kung nagiging sarkastiko lang ba siya o talagang hindi niya lang alam. Pero base sa naging pag-uusap namin ni Kian sa parking lot kagabi, hindi ko masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa mga ito.
Oo, maaari ngang ako na lang ang naaapektuhan dahil hindi ko iyon itatanggi. Pero hindi ko masasabi kung ano ba talaga ang tamang gawin sa panahon na ito.
Inalis ko ang lahat ng iyon sa isip ko at inabala na lang ang sarili sa target na nasa harapan. I was practicing my field of expertise again lalo na at hindi ko na ito nagagamit sa ilang misyon na ginawa namin. Maliban sa engkwentro kina Jared kahapon, bihira ko nang magamit ang hilig ko sa baril. Hindi ganun kalalim ang mga nagiging misyon namin nitong mga nakaraan. I need to make sure that I am still good at it.
Sinamahan ako ni Sahara, pero hindi naman siya sumali. Instead, nanatili siya sa isang tabi para kulitin ako na pumayag sa gustong mangyari ng magkakapatid na Kim. She wants us to go back to the Philippines.
Isang oras din ata ang itinagal ko sa pag-eensayo hanggang sa mapagod ako. Inalis ko ang harang sa aking tainga pati na sa mata at saka ko ibinaba ang baril na hawak.
"You're really good at it, Amore." Ani Kalil, isa sa empleyado rito na madalas na naka-duty sa tuwing pupunta kami ni Sahara.
Mabait ito. He used to call me, Ma'am but I told him to call me by my first name. Ito rin ang madalas na puntahan namin ni Sahara na Shooting Range rito sa Spain. Dahil bukod sa mababait ang mga empleyado ay kilala rin nina Eli ang may-ari nito.
"Not really. This was just due to practice." Biro ko bago kami nagtawanan.
Lumapit na rin si Sahara.
"So what's the plan?" Muli niyang pangungulit kaya halos umikot sa ere ang mga mata ko.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...
