Kim, K.N
~~~🌸~~~
"Ayos ka na? Anong nararamdaman mo?"
Nahihilo pa ako at hindi masyadong makagalaw pero pinilit kong bumangon. Inalalayan naman ako kaagad ni Eda. Tumingin ako sa paligid. Walang ibang tao sa silid maliban sa aming dalawa at masyado ring tahimik. Hindi ko tuloy alam kung anong oras na ba.
"I am okay, Eda." Sinubukan kong maupo kahit na medyo nahihilo pa.
"Are you sure? Gusto mo magpahinga ka muna rito?"
Nang-aakit ang offer niya pero mukhang mas lalo akong mahihilo kung hindi ko susubukan ang tumayo.
"Ayos na ako Eda." Naupo ako sa gilid ng kama at saka kinuha ang bag ko na nasa mesa sa gilid.
"Anong oras na ba? May klase pa ako. I don't want to be tagged as absent."
"Okay na. Ipinagpaalam na kita sa mga susunod mong subject. You can stay here kung hindi ka pa rin okay."
"Bakit anong oras na ba?" Tanong ko habang hinihilot ang sentido. Napansin ko na hindi na rin ang uniform ko ang suot ko. I am now wearing a black oversized t-shirt.
Kanino naman ito?
"It's 5:48 PM, Malia. Ihahatid na lang kita. Ako na ang bahala—
"5:48 PM?" Sa gulat ko ay napalakas ang boses ko.
"5:48 na ng hapon? Oh God! Ilang oras akong tulog?"
Nagmamadali ako sa pagbaba ng kama kaya muntik pa akong mahulog.
"Ano ba, Malia! Mag-ingat ka!"
"Shit Eda! Hapon na. Lagot na naman ako nito kay Auntie!"
"Ako na ang bahala. Ipapahatid kita sa driver namin kapag dumating na. Ako na rin ang magpapaliwanag sa tita mo kung kailangan."
"No! I am okay. May practice ka pa diba?" Kinuha ko ang gamit ko sa gilid.
"Oo, pero—
"Ayos na ako, Eda. Hindi ka pwedeng mawala sa practice niyo. Isa pa baka mamaya pa dumating ang driver niyo. Lagot na ako kay Auntie nito."
"Sigurado ka?"
Nag-aalangan niyang tanong kaya tumango na ako. Nagmamadali na rin akong lumabas ng silid. Nasalubong ko pa ang nurse na mukhang papunta sa silid kung asan ako kanina.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomansaMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...