Kabanata 10

64 2 0
                                    

I'll wait


~~~🌸~~~


"You're quiet, Malia. Don't be shy."


Tumingin ako kay Valerie. Magsisimula na ang laro kaya umalis na rin si Kian sa tabi ko pero simula rin noon ay hindi na ako nagsalita. Kami na lang ang naiwan ng pinsan niyang si Valerie pero hindi ko pa rin magawang maging komportable. I mean, mabait si Valerie. Actually siya pa nga ang nag-eengganyo sa akin na makipag-usap sa kaniya kahit na kanina pa ako tahimik.


"I heard a lot about you at totoo nga ang sinabi ni kuya Kian na tahimik ka." Sabi pa nito at saka tumawa. Hindi ko naman alam kung compliment ba 'yon o ano kaya nahihiya na lang akong napayuko.


"But please don't be shy when you're with me. I am hoping we could be friends." Ngumiti siya at muling inilahad ang kamay sa harapan ko.


But this time, kahit papano ay unti-unti nang nagiging mas magaan ang loob ko sa kaniya. She reminds me of her brother, si Vladimir. He always greets me whenever he sees me kahit na hindi naman kami ganun ka-close. Pero kahit na ganun, magaan din ang pakiramdam ko sa mga kaibigan, pinsan at kapatid ni Kian. Kahit papano ay nasasanay na ako sa presensya nila.


Masaya kong tinanggap ang kamay ni Valerie at saka nakangiting nakipag kamay sa kaniya sa ikalawang pagkakataon. Maliban kay Eda, at kay Kian. I am so happy that someone has added to my life. Kahit na hindi ko alam kung pwede ko na bang idagdag si Valerie sa maikling listahan ko ng mga kaibigan, still, I am looking forward to it. Magaan siyang kasama at hindi ako naiilang sa kaniya kaya sana, maging kaibigan ko rin siya.


Nagsimula ang laro. Hindi ko kilala ang kalaban nila Kian basta ang alam ko lang, ibang grupo iyong may kulay itim na jersey uniform habang puti naman ang kila Kian. Kasama niya sa grupo si Vladimir, si Ryle at iyong nakilala ko kanina na tinawag nilang Hoshi. May isa pa na hindi ko naman matandaan pero nakilala ko siya na isa sa mga kaibigan ni Kian dahil minsan ko na rin itong nakitang kasama nila.


Hindi ko masundan ang nangyayari dahil hindi naman ako mahilig sa sports ns ito. Naririnig ko na lang ang sigawan sa tuwing may makaka-shoot ng bola sa ring. Halos mabingi ako sa sigawan lalo na at pati ang katabi ko ay mukhang fan ng sports na ito.


Hindi pa sapat sa kaniyang upuan at tumayo pa talaga si Valerie at saka sumigaw,


"Go Pierre!" Malakas na sigaw nito kaya napatingin ako sa may hawak ng bola. So Pierre pala ang pangalan niya? Madalas ko rin siyang makitang kasama nila Kian.


"Ang pogi niya, Malia, diba?" Nagulat ako ng maupo siya muli sa tabi ko habang nakangiti at nakatingin pa rin sa lalaking kasama nila Kian na may hawak ng bola.


Maputing lalaki, kasing tangkad ni Kian. Itim ang buhok na may guhit sa gilid sa kaliwa. Gwapo ito kaso mukhang bad boy ang dating sa akin. Kung tama rin ang naaalala ko, nakita ko siya isang beses sa likod ng building na naninigarilyo kasama ng kambal.


"Alam mo ba Malia boyfriend ko 'yan?" Medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Valerie kaya nalingon ko siya ng wala sa oras.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now