Murderer
~~~🌸~~~
"Malia! Nariyan ka na pala. Halika, pumasok ka." Maligayang bati sa akin ng matandang lalaki na nakaupo sa kaniyang silya sa likod ng mesa.
Tumayo rin ito at nakangiting bumaling sa akin na tila ba kilalang-kilala ako. Pero hindi ko siya matandaan. Hindi siya pamilyar. Sinubukan kong alalahanin ang kaniyang mukha pero hindi ko ito makilala.
Pero ang pagbati at bungad niya sa akin ay para bang matagal na ako nitong kilala.
"Welcome nga pala! Pupuntahan sana kita kanina sa silid mo pero ang sabi ni Sahara sa akin ay nagpapahinga ka pa kaya hinayaan ko na lang muna. Ang sabi ko'y tawagin nila ako o kaya ay papuntahin ka rito kapag gising ka na para magka-usap tayo." Lumapit siya sa pwesto ko habang nakangiti.
Hindi ko siya kilala pero hindi rin ganun kabigat ang pakiramdam ko. There is something inside me that is telling me that he is somehow unlike my uncle. Wala roong pangamba, pero naroon naman ang pag-iingat.
Kahit na ganito ang pakiramdam ko sa kaniya ay hindi iyon sapat to let my guard down. I should learn my lesson by now kaya umatras ako. Nanatili ako sa hamba ng pinto. Humawak din ako sa doorknob at hindi ako magdadalawang isip na isara ang pinto at tumakbo palayo kung lalapit pa siya. Ngunit ng huminto ito at pagmasdan ako at pati ang paghigpit ko nang kapit sa siradora, hindi nawala sa kaniya ang mga titig ko.
Ilang segundo niya akong pinagmasdan na tila naninimbang. At ng muli niyang salubungin ang mga tingin ko'y muli itong ngumiti.
"I heard from Eli and Sahara about what happened." Panimula niya na hindi ko naman kaagad nakuha.
Nilingon niya si Aidan na nasa likod, nakatayo at nakatingin din sa akin ng diretso habang ang dalawang kamay ay parehong nasa loob ng tigkabila nitong bulsa.
"Don't worry. Your uncle has already paid for what he did."
"Why dad? What happened?" Tanong ni Aidan at saka lumapit sa matandang lalaki na nasa harapan ko.
Dad? Tatay niya kung ganun?
Doon lang tila nag-sink in sa akin ang lahat. Tatay nila ang nasa harapan ko. Tatay ni Aidan, na ibig sabihin ay tatay rin ni Kian na kapatid ni Aidan?
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat sa mga bagay na natuklasan. Anong ginagawa nila rito? Anong ginagawa ko rito? Kung ganun, narito rin ba si Kian? Wala sa sarili akong napalingon sa buong paligid na tila hinahanap ito. Natigil lang ng muling magsalita ang nasa harapan ko.
"It was on the file Eli gave you, Aidan. Hindi mo ba nakita?" Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila pero nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Aidan sa narinig.
"So it was her?" May gulat sa boses niya at saka tumingin sa akin na hindi ko naman maintindihan.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...