Engagement
~~~🌸~~~
Hindi ako mapakali sa aking pwesto. Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone ko para makita kung may message na ba si Kian. Alam ko na maaga pa, kaya nga sa sobrang excited ko halos isang oras ako mahigit na nauna kay Kian sa usapan namin.
Tinext ko na rin siya pero wala pa siyang reply. Wala naman iyong kaso sa akin, hindi lang talaga ako mapakali.
Mabuti na lang din at wala na kaming pasok sa huling klase kaya maaga akong nakapunta rito. Today is my birthday. My 18th birthday, actually. Halos isang buong linggo ako nag-practice para sa araw na ito. Kinabisado ko rin hanggang ang lahat ng dapat sabihin. Sana lang ay hindi ko makalimutan.
I tried to practice again.
Oh, God. Malia! Ano ba!
Halos masabunutan ko ang sarili nang subukan kong alalahanin lahat ng kinabisa ko ay wala na akong matandaan. I tried to concentrate again and remember what I practiced nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko.
Someone's calling.
Sa sobrang excited ko na baka si Kian na iyon ay nagmamadali ko itong tiningnan. But then I saw Eda's name. Nawala ang mga ngiti ko sa labi. It's not that I don't want to talk to her, but I expected it from Kian.
Huminga ako nang malalim at saka sinagot ang tawag.
"Hi!" Bati ko sa nasa kabilang linya.
"Akala mo si Kian, na 'no?"
Kaagad na kumunot ang noo ko. Ngunit bago pa ako magtanong, muli nang nagsalita si Eda.
"I saw your disappointed face, Malia. Huwag mo nang i-deny. Ayaw mo ba akong kausap? Pinagpalit mo na ba talaga ako kay Kian?" Tunog nagtatampo siya pero hindi ko iyon pinansin. At sa halip, agad ko itong hinanap sa paligid.
At katulad ng inaasahan ko ay naroon na nga siya sa hindi kalayuan at papalapit. Pabiro ko itong inirapan kaya halos mabasag ang tainga ko sa sigaw niya sa kabilang linya.
"Eda!" Pagalit kong sabi bago pinatay ang tawag.
Nakalapit na siya at saka ako inirapan ng ilang ulit.
"Nakita kita, ha! Ayaw mo na ba akong kausap? Talagang pinagpalit mo na ako sa Kim na 'yon?" Sabi niya ng makalapit.
"Eda! Ano bang sinasabi mo?" Naupo ako sa mahabang upuan na gawa sa semento at saka siya hinila paupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may lakad kayo ng mga magulang mo?" Nabanggit niya sa akin kanina na may party sila na a-attendan kaya kailangan na niyang umuwi.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...