At your service
~~~🌸~~~
Si Ryle ang sumunod kay Eros palabas ng elevator but he still seems to be enjoying what's happening. Tumatawa ito ng lumabas. Tumingin siya sa mga kasama ko, kina Eli at Sahara pagkatapos ay muling nilingon ang mga kapatid na hindi pa rin lumabas ng elevator.
"Don't tell me you are just going to stand there, Kuya?" Tumatawa nitong tanong sa kapatid at saka muling bumaling sa akin nang nakangiti.
Doon tila napabalik sa realidad ang kaniyang kapatid. Pagkatapos ng ilang sandali, ang gulat sa mga mata ni Kian ay napalitan. Nanliit ang mga mata nito at ilang beses na gumalaw ang panga habang nakatingin sa akin. Nasa tabi ko sina Sahara at Eli pero hindi ko ito nakitang bumaling sa mga ito kahit na sandali.
But I tried to act normal. Hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako para hindi niya makilala gayong narito na siya sa harapan ko, narito na sila. Isa-isa ko silang tiningnan while at the back of my mind, I am praying that this was just a dream, that it was just a nightmare.
Dahil pakiramdam ko ay tila nasayang ang ilang taon kong pagtatago at paghihirap to hide my identity. Wala pa sa mga plano ko na magpakita sa kanila not until I fulfill my true goal and reason why I joined Underground. Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana.
Naiiling na lang ako habang hindi makapaniwala. Siguro ang magagawa ko na lang ngayon ay ang panindigan kung sino ako.
Matapos ang mga nangyari sa nakaraan, I made the decision to start over, to come to this new identity and this new life. Kasama ng nangyari sa nakaraan, iniwan ko na rin ang dating ako. It took me too long to get to this point in life at hindi ko hahayaan na sa simpleng pagkikita namin muling ito ni Kian ay mawawalan ako ng kontrol muli sa nakaraan. I can't afford for that to happen. I don't know if I can do it right, but I have to.
Nilingon ko sina Eli at Sahara. Pati na si Eros pero humalo na ito sa ilan para kunin ang mga tauhan ni Jared.
"Mauuna na ako sa inyo. Kayo na ang bahala rito."
Tumango si Sahara at hindi na nagsalita pero nakikita ko ang pasimpleng mga sulyap nito kay Kian at ang mga makahulugang tingin sa akin. Habang si Eli naman ay naninimbang ang mga tingin. Katulad ni Sahara ay alam niya rin ang nakaraan ko, ang nakaraan namin ni Kian. Hindi namin kailanman napag-usapan iyon pero alam kong alam niya ngayon ang hindi ko pagiging komportable sa sitwasyon kaya hindi na rin siya komontra.
"Hindi na sana kayo sumunod pa rito, Ryle. Kaya na namin ito." Ani Sahara sa isa sa kambal pero muli lamang itong tumawa.
"I told Kuya that I have a news na hindi pwedeng ipagpaliban kaya kami narito." Sagot nito at saka bumaling sa akin. Hindi na nawala ang makahulugang mga ngiti ni Ryle kanina pa kaya lalo akong kinabahan.
Nagawa kong makaiwas sa kanila kanina sa Club. Pero ngayon ay tila naipit na ako at wala ng paraan pa para makaalis.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...