Guest
~~~🌸~~~
"Still looking at it, huh? Ilang oras ka na bang nakatitig dyan? Baka matunaw."
Nilingon ko ang pamilyar na boses ni Sahara na nasa likuran bago ko muling ibinalik ang mga tingin sa isang sikat na magazine na kanina ko pa hawak.
"You know what? I've got some news for you, Amore. Do you want to hear it?" Naupo siya sa tapat ko at saka inilapag ang baso at bote ng alak na iniinom.
Tumingin ako sa malaking wallclock sa gilid. It was only 10 in the morning, pero alak na kaagad ang hawak niya kaya nanliit ang mga mata ko pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip, nagsalin lamang siya ng alak sa baso na halos umabot sa kalahati sa dami.
"Balita ko he's still very single." Tuloy niya kahit wala namang nagtatanong.
Hindi ako sumagot at hindi iyon pinansin. Inilipat ko sa sumunod na pahina ang magazine at saka pinagmasdan ang ilan sa pamilyar muling mga mukha.
"And he went to Daemon's Academy. Do you want to know if he is doing well—
Hindi ko na iyon pinatapos. Pabagsak kong inilapag sa mesa ang magazine na hawak at saka tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" Tumatawa niyang tanong na tila ba nasiyahan sa naging reaksyon ko.
Medyo sanay na ako sa mga pang-aasar niya kaya hindi ko na ito pinansin.Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom.
"Ito naman! Napaka-KJ mo na ngayon, Amore. Ako na nga ang nag-o-offer sayo ng balita e."
Halos maubos ko ang laman ng baso bago siya muling nilingon.
"Where's Eli? May kailangan kaming puntahan. I need him. Sabi niya before 10 AM narito na siya?" I tried to change the subject. Pero hindi iyon naging successful.
"Tss, hayaan mo nga ang lalaking 'yon. So what now, Amore? Alam mo rin ba balita ko wala siyang girlfriend but he did check on someone. Dahlia sent her pictures, but you know what the funny part is?"
Automatikong tumaas ang isa sa mga kilay ko. Hindi ako interesado sa mga sinasabi niya pero wala akong magawa at hindi iyon maiwasan.
"She damn sure looks like you." Tuloy nito at saka lumakas ang tawa.
"Well, I understand him. Maybe he's still not over you. Kahit naman siguro ako. I know, it's been six years since that incident, Amore—
But then Sahara was not able to finish her words when the door suddenly opened. Iniluwa noon si Eli na nakangiti ng todo nang mapabaling sa akin.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...