Kabanata 3

88 2 0
                                    

Kim Brothers


~~~🌸~~~


Though I already expected this, pero kahit papano umaasa pa rin ako na palalagpasin nila ito. Kahit na alam ko na kilala ng halos lahat si Kian, at dahil isa lang naman akong normal na estudyante, umasa ako na hindi na nila ako papansinin. I did my best to avoid Kian. Hindi ko na gusto na mapasok pa sa kahit na anong gulo kaya hangga't maaari, ako na ang umiiwas. But maybe things are built differently from what I expected.


Katulad ng madalas kong makagawian, sa pinakatagong parte ng field ako pumwesto noong lunch. Doon sa parte na wala masyadong tao at malayo sa ibang kumakain at nakatambay. Dahil bukod sa tahimik, maayos at wala akong ibang kasabay sa pagkain. Isa pa, matapos ang nangyari noong isang araw with Kian, pakiramdam ko buong eskwelahan na ang masama ang tingin sa akin.


Bago ako makarating dito, siguro inabot pa ako ng sampung minuto dahil sa ibang way ako dumaan kanina. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Kian sa building ng Junior High pero nakita ko siya doon kanina. Muntik ko na rin siyang makasalubong. Mabuti na lang at nakita ko siya kaagad kaya nakaiwas ako.


Kasama niya ulit ang madalas niyang mga kasama. Kasama roon ang kambal niyang kapatid at ang pinsan nilang si Vladimir.


Malaki ang eskwelahan pero pakiramdam ko sobrang hirap umiwas at para bang lumiliit ang lugar para sa aming lahat. Dahil bukod ngayong lunch, hindi ko alam kung ano ba ang sadya niya sa classroom namin.


Palabas na ako at nasa kabilang pinto ng dumating siya kasama ng mga kaibigan niya. Ilan sa kaklase kong babae ang agad na nagkumpulan sa pinto habang isa sa mga lalaki naman ang sumigaw.


"Malia? Si Malia raw." Sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki.


"Ano ba! Umalis nga kayo dyan! Si Malia raw ang hinahanap. Hindi kayo!" Pinagtabuyan din ng ilan sa mga kaklase kong lalaki ang ilan sa kababaihan na nagkumpulan na malapit sa pinto.


At dahil nag-ipon ipon na roon ang lahat, nakuha ko iyong pagkakataon para tumakas at lumabas. Sa isang pinto ako dumaan kaya hindi ako napansin ng lahat. Hindi na rin ako lumingon pa. Tumakbo ako at lumiko kaagad sa isa sa corridor sa kaliwa.


Hindi ko alam kung anong sadya nila sa akin. Pero dahil sa ginagawa nila, pakiramdam ko lalo akong mapapansin nito ng mga bully na mukhang nadagdagan pa ang galit sa akin dahil sa mga nangyayari.


Napabuga ako ng hangin. Tsk! I think I was left with no choice.


Sinimulan ko ang pagkain. Tahimik at malayo ang ilan sa grupong nakatambay. Sa harapan ko, ang malawak na field ang bubungad. May ilang players ang naglalaro. Some of them are playing soccer, and some of them are just passersby.


Halos hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko nang sa muli kong pagsubo, nakita ko na naman ang grupo nila Kian. Napaubo ako ng bumara sa lalamunan ko ang kanin at ulam. Mabilis kong kinuha ang tubig sa tumbler ko. Nakalahati ko ata ang laman non.


Shit! Pinunasan ko ang kaonting luha sa gilid ng mga mata ko. Mabuti na lang at narito ako sa pinakagilid na parte kaya mukhang hindi naman nila ako makikita. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Mahigit tatlumpung minuto pa naman ang meron ako sa lunch break ko kaya may oras pa naman.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now