Truth
~~~🌸~~~
"Why are you here? Akala ko ba umalis ka ng bansa?" Lumayo ako sa kaniya at saka muling lumapit sa couch kung saan ako nakapwesto kanina.
I acted the same. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang excitement na makita siya ulit. Mahigit dalawang buwan mula noong huli naming pagkikita. Kahit na halos araw-araw ang pag-uusap namin sa cellphone, pakiramdam ko hindi pa rin iyon sapat. Pero hindi ko naman gusto na ipahalata iyon sa kaniya.
Naupo ako at saka binuksan ang paper bag kung asan ang order kong pagkain kanina nang maramdaman ko ang pag-uga ng upuan sa tabi ko. Kian sit beside me. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nilingon ko ito.
"Why? What's wrong?" I asked again habang inaalis ang wrapper ng burger na hawak.
Tumingin sa akin si Kian. Naka-isang linya pa rin ang mga labi. Mariin ang titig at nakatiim ang bagang kaya hindi ko mapigilan ang sarili. Hindi ko maitago ang mga ngiti lalo na at nakikita ko ang galit sa mga mata nito.
Kaya bago pa siya sumabog, sinabi ko na ang alam kong gusto niyang marinig.
"Babalik na sa Italy sina Elijah. Kasama niya si Eros. Baka matagalan na bago sila muling bumalik lalo na at nandon na rin si Sahara. He is also asking about my plans." Paliwanag ko kahit wala pa siyang sinasabi.
Kumagat ako sa burger na hawak nang lingunin siya muli.
"Well, because that is our first plan together. Alam nila ni Sahara ang mga plano ko noon. After this mission related to Eya, babalik ako ng Italya. I'll stay there for good, and Mr. Kim has already agreed to it." Nakatitig ako sa mukha ni Kian habang sinasabi iyon kaya kitang-kita ko kung paano magbago ang ekspresyon nito.
Mahina akong natawa dahil sa bigla niyang pag-iwas ng tingin habang gumagalaw pa rin ang panga. I saw how irritated he is. Hindi niya lang sinasabi pero nakikita ko ito sa mga mata niya.
"Aren't you going to ask me about my plans?" Pagkatanong ko noon ay agad itong napalingon sa akin. Natawa ako ng makita ang curiosity sa mga mata niya.
"You're curious, aren't you?" Natatawa ko pang sabi pero suplado lang ako nitong iniwasan ng tingin at saka itinuro ang napakaraming paper bag sa gilid.
Hindi ko iyon napansin kanina pero ngayon, nagulat ako. Nakita ko ang pangalan ng mga sikat na brands sa harapan ng paper bags.
"I brought you these." Sabi nito at saka inilagay ang ilan sa harapan ko.
I was speechless. I know I can afford these brands pero nagulat ako sa dami.
"What are these for?" Sabi ko habang tinitingnan isa-isa ang mga dala niya.
There are luxury bags, signature clothes, jewelries and a lot more. Alam ko naman kung gaano siya kayaman pero hindi niya kailangang ipamukha iyon sa akin.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...