Hurt
~~~🌸~~~
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" Halos pagtinginan kami ng ilang estudyanteng nasa malapit dahil sa lakas ng boses ni Eda. Nakailang ulit din niyang hinampas ang mesa ng hawak niyang libro kaya nakaka-agaw na kami ng pansin.
"Sabi ko naman sayo, Malia! Umalis ka na dyan sa inyo bago pa may gawing masama sa'yo 'yang manyakis mong tiyuhin—
"Eda ano ba! Baka may ibang makarinig sayo!" Hinila ko siya pabalik sa kaniyang upuan.
"Hinaan mo ang boses mo. Baka marinig ka nila." Tukoy ko sa ilang estudyante na nakatingin na sa amin.
Pero hinila lang niya pabalik ang braso. Naupo na siya muli ng maayos sa tabi ko pero galit pa rin itong nakatingin sa akin.
"Kailan ka ba talaga makikinig sa akin, Malia? Ilang beses na kitang pinagsabihan tungkol dyan pero ayaw mo makinig!"
"Hindi naman sa ganun, Eda. Pero kasi—
"Kasi ano? Ha, Malia? Hihintayin mo pa bang may gawin sa'yong masama ang manyak na tiyuhin mong 'yon? Tandaan mo, Malia. Ang pagsisisi palaging nasa huli."
Tiningnan ko siya ng hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam ang gagawin. Maliban kay Eda, wala akong ibang mapagsabihan ng tungkol dito. Hindi rin naman ako pwedeng magsumbong sa kung kanino dahil wala namang ibang ginagawa si uncle. Maliban sa hindi ko pagiging komportable sa mga hawak at tingin niya, iyon lang ang pinanghahawakan ko. Hindi ko alam kung sapat na ba 'yon para pagbintangan siya ng masama.
"Alam mo Malia minsan iniisip ko kung paano ba talaga tumakbo yang utak mo? Hindi ko alam kung duwag ka ba talaga o sadyang tanga ka."
Hindi ko maalis kay Eda ang tingin. Kahit kailan ay hindi nagpa-patumpik-tumpik si Eda sa mga sinasabi niya. She always has a sharp tongue at sanay na ako roon. Minsan sa mga sinasabi niya, hindi rin maiwasan na maapektuhan ako. Pero alam ko na para sa akin naman ang lahat ng yon. Sometimes, it also helps me to think of things deeper. Sadyang sa ibang bagay, wala lang talaga akong lakas ng loob.
"Malia naman," Humarap na sa akin si Eda. At kung kanina punong-puno ng galit ang mga mata niya, ngayon ay nakikiusap na iyon.
Hinawakan din niya ang kamay ko para kunin ang buo kong atensyon.
"Malia, I am just concerned. What if something happened?"
Wala naman siguro?
Iyon na lang ang palagi kong iniisip. When uncle is around, dinodoble ko ang pag-iingat. Isa pa, sa oras na may gawin na si uncle na talagang hindi tama. Hindi na ako magdadalawang-isip na magsumbong. I just need to gather stronger evidence dahil alam ko na hindi sapat at baka hindi lang ako paniwalaan sa mga paratang ko ngayon. Siguro nga ay kung hindi ko kaibigan si Eda ng ganito katagal, baka pati siya ay hindi maniwala sa akin.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...