Kabanata 6

59 2 0
                                    

Smoke


~~~🌸~~~


I arrived too early. Wala pang tao ng dumating ako sa bahay. Kahit si Maya na madalas na dumarating ng alas-sais ng gabi ay wala pa rin kaya naman malaya akong nakapaglinis at nakapagluto ng gabihan. Tapos ko na rin ang lahat ng gawain kaya naisipan ko na sa kwarto na lang magkulong.


Kinuha ko ang lahat ng gamit ko na naiwan sa sala. Pero paalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang pinsan ko. I was shocked when I saw her. Lalo na at ang galit niyang mga mata ang sumalubong sa akin ng makita ako.


"Andyan ka na pala, Maya. Nakapagluto na ako sa kusina. Kumain ka na lang kapag nagutom ka."


Hindi ko na balak magtagal pa sa harapan niya dahil hindi ko na naman gusto ang mga tingin niya kaya kinuha ko na ang mga gamit ko. Ngunit patalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kaliwang braso ko. Nagulat pa ako noong una, pero ng makita ko ang parehong mata niya katulad kung paano ito tumingin sa akin kanina, mukhang hindi ko na kailangang magtanong.


"Maya—


"Hindi ka talaga marunong mapagsabihan ano?" Naririnig ko sa boses niya kung paano magasgas sa isa't-isa ang kaniyang mga ngipin.


Galit na galit ang tono kasabay ng pagbaon ng kaniyang kuko sa balat ko. Hindi ko iyon ininda at sa halip, sinubukan ko na lang alisin sa marahang paraan.


"Maya, ano bang problema?" Tanong ko pero lalo lang nanlisik ang mga niya.


Napabuga ako ng hangin. This is about Kian, again. I knew it. Bukod kina Olivia, hindi ko rin siya maintindihan bakit parang napaka big deal kapag nakikita niyang malapit ako kay Kian. Wala naman akong ginagawang masama. Isa pa, hindi ko makita ang rason ng galit niya roon.


"Hindi ko alam kung nang-aasar ka ba. But you are not funny, Malia! Gusto mo ba talagang isumbong kita kay mommy?"


"S-sandali. Ano bang ginawa kong masama? Wala naman akong ginagawa, Maya."


"Walang ginagawa?" Dumiin ang hawak niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang pagbaon lalo ng kuko niya sa balat ko.


Napadaing na ako roon dahil sa kirot pero parang wala lang siyang pakialam. Lalo niya pa iyong hinigpitan.


"Nakita kita kanina. Nakita ko kayo kanina!"


"B-bakit? Hindi kita maintindihan, Maya. H-hindi ka naman girlfriend ni Kian para umakto ng ganyan kaya bakit parang galit na galit ka?"


It was a wrong move. Dahil sa sinabi ko lalo pang bumaon ng todo ang mga kuko niya sa balat ko kaya hindi ko na napigilan. Napadaing na ako. Namumula na rin ang mukha niya sa galit at hindi na mapigil sa pag igting ang panga. Mabuti na lang at bumukas na muli ang pinto. Dahil doon lumuwag ang kapit niya sa akin.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now