Fiancée
~~~🌸~~~
"We will process this now, Ma'am. Babalik po ako agad, hintayin niyo na lang po ako rito." Umalis iyong agent na nag-aasikaso habang dala iyong mga papel.
Hindi ko na rin naman binalak pa na magtagal. Hindi rin ako magaling sa pagtingin ng magandang modelo. Kaya iyong latest model na lang nila ang kinuha ko. Pinaliwanag sa akin ng agent lahat ng tungkol sa sasakyang napili ko kahit na ang totoo ay wala akong maintindihan. After I heard the price at okay naman, I decided to get it.
Hindi naman siguro magagalit si Uno, hindi ba? Parte naman ito nang pagiging bahagi ng grupo. Kung masyadong malaki ang presyo para sa budget nila, then I will pay for it out of my own pocket. O kahit ibawas na lang nila sa magiging sweldo ko, I don't mind.
Ilang sandali lang at bumalik din kaagad iyong lalaking agent na mukhang naihanda na ang lahat.
"Handa na po ang lahat, Miss La Rocca. Here's the key, papers and all."
Ngumiti ako nang kunin ang lahat nang ibinigay niya.
"Hindi ko alam na ganito kabilis mag-process nang lahat ng ito?"
Ngumiti iyong lalaki, "Dito rin po kumukuha ng mga sasakyan sina Sir Aidan at ang mga kapatid niya kaya kilala na rin po sila ng boss namin. Kaya minadali na rin po nila ang pag-release ng sasakyan niyo."
"Oh, so kilala niyo pala sila."
"Yes po, ma'am. Actually kanina lang po tumawag ang isa sa kapatid ni Sir Aidan, si Sir Kian. Nagpapatanong din po ng bagong model na labas. Ang balita ko ay pupunta siya rito mamaya ng personal para tingnan. Katulad po nang napili niyo ang model ng sasakyan na hinahanap niya."
Nilingon ko kung asan iyong sasakyan na napusuan ko kanina. Pupunta si Kian dito? Kung ganun ay wala na pala akong dahilan para manatili pa rito.
Hindi na ako sumagot. Tinapos ko na ang lahat. Pinirmahan ko na ang ilan sa papel na mahalaga at saka hinintay na ma-process ang payment.
Halos dalawang oras din ata ang itinagal ko roon kasama na iyong paghahanap ko magugustuhang modelo kanina. Napakabilis nilang naayos ang lahat. Well, given na nga talaga ata iyon dahil kilala nila ang mga Kim kaya nakuha ko ang sasakyan sa parehong araw at na-process ang lahat ng kailangan.
Hindi na rin ako dumaan sa kahit na ano pa. Nang malaman nila na kilala ko sina Aidan at dahil sa card kung dala, ve-ni-rify lang nila ang information at iyon, na-process din ang lahat.
Sakto rin na nakatanggap na ako ng message galing kay Vladimir. At first, kinabahan pa ako. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya. It was an unregistered number pero nagpakilala naman ito kaya agad kong nalaman. Ang sabi nito ay kailangan naming pag-usapan ang misyon dahil mukhang aalis na nga sila katulad nang sinabi ni Uno. Mukhang wala siyang sinasayang na pagkakataon.
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...