Kabanata 8

76 4 0
                                    

Beautiful


~~~🌸~~~


"A-Ano ba, Kian? U-umayos ka nga." Hindi ko alam ang tamang sasabin. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon. Tinulak ko siya sa kaniyang dibdib at sinubukan kong umalis pero kaagad niya akong napigilan.


Hawak pa rin niya ako sa aking bewang at pinirmi ako sa aking pwesto.


"We are still talking, Malia." Malambing niyang sabi at saka ako pinanatili sa aking pwesto.


Hindi na ako makatingin sa kaniya. Sa sobrang kaba ko, napayuko na ako. Pero ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking baba, pakiramdam ko nahila na noon kahit ang natitirang lakas sa mga tuhod ko.


"A-ano ba, Kian. P-pwede ba wag mo akong pinag-ti-tripan?" Halo-halo na ang nararamdaman ko. Kaba, pagkalito pati na ang konting galit.


Oo, nagagalit ako dahil pakiramdam ko pinaglalaruan na niya ako. Noong nakaraan lang halos nasa magkaiba pa kaming mundo. Tapos isang araw, nagising na lang ako na tila kabilang na ako sa mga tauhan sa kaniyang mundo. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang mangyari but why is he doing this? Para saan? Hindi ko siya maunawaan.


"What Malia? Anong sinasabi mo?" Mula sa aking baba ay dumulas ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Masuyo at malambing ang kaniyang mga hawak na para bang henehele ako.


Simula pa noon, wala na akong lakas ng loob na tingnan siya ng diretso. Na kahit sa pagsasalita hindi ko magawa ng maayos. Palagi akong nabubulol, hindi ko maituwid ang dila at hindi maayos ang mga salita. Pero ngayon, dala siguro ng galit, nagawa ko siyang tingnan ng diretso.


Pero hindi nawala ang panunubig ng mga mata ko. Uminit ang gilid ng aking mga mata at pakiramdam ko anumang oras babagsak na ang mga luha ko. Kaya para maiwasan, kinagat ko ang labi ko.


"A-are you making fun of me too? A-are you doing this on purpose?" Tanong ko at hindi pinansin ang kaniyang mga hawak.


Because if he is, ngayon pa lang makikiusap na ako sa kaniya na itigil na niya dahil ngayon pa lang, he successfully did it. Talo na ako, panalo na siya.


Dahil sa halo-halong emosyon ay hindi ko nabantayan ang sarili at tuluyang nakatakas ang isang butil ng luha sa aking mga mata.


"I a-am tired of them. Kaya kung pwede huwag mo ng dagdagan." Sinubukan ko muling tumakas pero hindi siya pumayag.


Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking bewang at pinirmi ako sa aking pwesto.


"Who told you that? Is that how you see this, huh?"


Eh ano ba? Ano bang ginagawa niya? Hindi ba at ganun nga? He is making fun of me!


"Malia I am not making fun of you—


IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now